Chapter 9

570 21 4
                                    

Chapter 9

Mine alone


[Lucrad's POV]

Pag-gising ko, sumilip ako agad sa bintana ng classroom nila at nagulat nang walang makitang tao. Tinignan ko ang desk niya at wala na ang mga gamit niya. Napasimangot tuloy ako. Tsk. Papagalitan ko na lang 'yon pagdating ng bahay. Alam niya naman siguro na binabantayan ko kaluluwa niya? Tsk.

"Baby~!!!"

Napatingin ako sa lalaking patakbong kumakaway sa isang babae. Paglapit niya, bigla siya nitong binatukan. "Sabing 'wag mo 'kong matawag na baby eh!"

"Tss. Sungit mo pa rin, Jill."

Naikuyom ko ang kamao. Hindi ko alam pero nang-gigigil akong turuan ng leksyon ang dalawang 'to, eh. Hindi ba nila alam ga'no kawasak si Heaven kagabi? Somehow, last night up until now...hindi pa rin nawawala ang nararamdaman kong...ayaw ko nang makita pang umiyak si Heaven. Ayoko na.

Besides, I really expected Jill to see through her best friend. I mean, they've been together for so long. Either Jill's just selfish or magaling lang talagang magtago ng nararamdaman itong si Heaven.

Teka nga, ano naman ang pakialam ko, 'di ba? Tss. Asa'n na ba ang babaeng 'yon?

Nang dumaan ako sa isang madilim na eskinita, parang nakaramdam ako ng panlalamig. Napahinto ako at pinunasan ang noong pinagpapawis. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit tila para akong ninenerbyos? Ano ba 'to? Why do I suddenly feel like something feels wrong..?

"Hulihin mo 'yon, ugok!"

My eyes immediately shifted to the three men chasing a girl in uniform. Nakita ko kung pa'no siya nahuli ng isa sa mga lalaki at dinaganan pa siya nito. Nang mamukhaan ko ang babae, agad akong bumaba. It's Heaven. It's damn Heaven, all right!

Teka...

Sinasakal siya ng lalaki. Wala ito sa plano ko. Baka nga...oras niya na talaga. Pero ang sabi ng Master, she's got a year left to live. Kaya bakit 'to nangyayari? Kung mamamatay na si Heaven, I can just get her soul and then fulfill my desire.

Tama. Hihintayin ko na lang na mamatay siya...

Hihintayin ko na lang...

Hihintayin ko...

Hihin—

"Lu...crad..."

Naramdaman ko ang pagliwanag ng mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. At nang makita ko ang pagpatak ng luha niya, hindi ko na alam ano ang sunod na nangyari. Inilabas ko ang death scythe at nilapitan ang mga dambuhala sabay swing ng death scythe.  Itinuro ko 'yon sa isang sasakyan at lumutang naman ito. Then I threw it at the three hooligans.

"Guah!!"

Kulang pa 'yan, mga tarantado kayo! Agad kong nilapitan si Heaven na wala nang malay. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang kamay niya at pinakiramdaman ang pulso niya. Parang nabunutan ng tinik ang puso ko nang maramdaman ang pulso niya. Tinanggal ko ang suot na cloak at isinuot 'yon kay Heaven at isinandal siya sa dingding.

"My, my, my. And here I thought I could lend you a hand in your mission."

Nilingon ko agad ang nagsalita. Mula sa madilim na parte ng eskinita, he stepped forward. Ibinaba niya ang hood at ngumiti nang nakakaloko. His red eyes gleaming. Napatiim-bagang ako, "Kale Arcturus..."

"Lucrad Alucard. How fare thee?"

"The hell are you doing here, Arcturus?" tumayo na ako at inilabas ulit ang death scythe.

Nilingon niya ang tatlong lalaking wala ng malay at nakahandusay. Matapos ay tinignan niya si Heaven at ngumiti sa'kin, "I thought you wanted your wish to come true?"

"That's right. I want it badly." Sasagot na sana siya pero inunahan ko siya, "I'm getting it without anyone's help."

"Ha?" he crossed his arms at ipinilig ang ulo. "You could've had your wish fulfilled if you didn't stop these handsome men, Alucard."

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? I said I'm getting it without anyone's help so scram off." Bigla siyang natawa at naglaho. Hindi na ako nataranta dahil alam ko naman kung nasa'n siya. I turned to Heaven's direction at agad na nakita si Kale. Without wasting another minute, I stretched my hand out and gripped his neck, "The hell do you think you're doing?"

Hindi naman siya natinag at nilingon pa talaga ako, "I'm getting her soul for you. Or maybe I could have it for myself. Tutal, bored naman ako, eh—cough!"

Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa leeg niya as I felt my blood rush on my head, "Her soul is mine and mine alone. Do something crazy and I swear you're going  to experience something more painful than death."

Nanlaki ang mga mata niya and exploded into ashes. Nilingon ko agad ang likuran ko matapos ay tiningala ang langit. Hindi ako nagkamali. Ando'n nga siya.

"I saw something pretty interesting today, Alucard. So bye for now, hahahaha!" at dahan-dahan siyang naglaho.

"Tss. Coward." Nilingon ko agad si Heaven at dahil nga hindi ako umaapak sa lupa ng mga tao at hindi ko rin naman siya pwedeng ilutang papunta sa kanila since it'd freak people out dahil hindi nga ako nakikita ng iba. Sinigurado kong wala pa ring malay ang mga tarantado at lumabas ng eskinita.

"Wha! Ang Guardian Angel ni ate Heaven!"

Slowly, I looked down and saw two kids—a small girl and a small boy on their way home. Wait...Nakikita rin nila ako?

"Hi po! Asa'n po si ate?" tanong nung batang babae. Yung batang lalaki naman, nakatingin lang sa'kin. Buti at silang dalawa lang ang nandito. 'Pag nakita 'to ng iba, mapagkakamalan silang baliw, phew.

Pero bakit nila ako nakikita? Umiling-iling ako. This is not the time for that, Lucrad. Tinignan ko ang mga bata at lumutang pababa at yumuko, "She lost consciousness. Could you kids ask for help?"

"Si ate!? W-Wait lang po! K-Kei! Dito ka muna! Bantayan mo sila! Ta-Tatawagin ko sina kuya Psyche!" agad na kumaripas ng takbo ang batang babae.

Ang tinawag niya naman Kei, napasimangot na lang, "Tss. Ako na sana gumawa no'n." Matapos ay sumigaw sa batang babae, "Magmadali ka, Lin!" Then he looked up at me.

"Wh-What?"

Bigla siyang ngumiti, "Tama nga si ate Heaven. Mabait nga ang Guardian Angel niya."

I raised an eyebrow, "Guardian Angel?"

"Opo. Sabi niya po kasi sa'min ni Lin na kapag mabait daw po ang isang tao, bibigyan siya ni papa God ng Guardian Angel para daw po may magbantay sa kanya at iiwas siya sa pahamak." Tinapunan niya ng tingin ang walang malay na si Heaven matapos ay tumingin sa'kin, "Alagaan niyo pa po nang mabuti si ate, ah!"

Hindi ako nakasagot. She told this kid the total opposite. A Guardian Angel, huh? Somehow...that doesn't sound so bad at all. Wait, Lucrad. You're a Death Angel. Keep that in mind.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kk. Hahahaha :3 Thank you sa mga nagsusupport nito~!!


Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon