Epilogue

1.7K 46 30
                                    

Epilogue


[Lucrad's POV]

"Lucrad, anak ko~!!"

My eyes snapped open nang marinig ang boses ni mom. Ang nag-iiyak na mga mukha nina mom at dad ang sumalubong sa'kin and the doctor and the nurses' amazed faces. I scanned the room. The ceiling was white and I could faintly smell the scent of medicine.

I'm in the hospital.

On a hospital bed.

"A-Anak, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni mom.

Do'n ko lang napansing may mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko. Somehow, I feel like something's missing.

Somehow, I feel so empty.

Why... does my chest hurt?

Timeskip

"Lucrad, sure kang okay ka na, ha?" paninigurado ni mama.

Sliding my bagpack on my shoulder, tinignan ko siya, "Oo nga po. Okay na po ako. It's been what, 3 months? Kailangan ko na rin pong pumasok."

Narinig ko naman ang halakhak ng dad mula sa dining room. Nilingon ko siya na busy kakabasa sa diyaryo niya. "Your mom's just worried, son. Intindihin mo naman."

Bumuntong-hinga ako at nilingon ulit ang ina ko. She was holding her hanky tightly habang umiingos-ingos. Tinapik ko na lang ang ulo niya at ngumiti, "I'll be fine, okay?"

Bago pa man siya makasagot, tumalikod na ako at lumabas na ng bahay. Napapikit ako nang sinalubong ako ng sinag ng araw. I raised my hand to block the sunlight at napangiti ulit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, ang tagal tagal na mula no'ng makalabas ako ng bahay at maramdaman ang init ng araw sa balat ko. Well, it's been three years since my accident. Buti na lang at pumasa ako sa kinuha kong exam para hindi na ako makaulit pa ng grade. Besides, I really qualified. Starting today, I'll be a junior student in college.

Nang makarating ako sa waiting shed, pumara na ako ng jeep. It took a couple of minutes bago ako makarating ng school. Pagbaba ko naman ng jeep, isinilid ko ang mga kamay sa bulsa and walked towards the gate. Napahinto ako bago pa man ako makapasok at sa 'di malamang dahilan, tiningala ko ang building ng eskwelahan.

Something about that school felt oddly familiar.

"...crad!"

Napahawak ako sa ulo ko nang marinig ulit ang boses na 'yon. Sa tuwing may nararamdaman akong ganito, may nabubuong imahe sa ulo ko pero hindi ko naman maaninag kung ano at kung sino. Saan ko na ba narinig ang boses na 'yon? Bakit niya tinatawag ang pangalan ko? Sino ba siya?

"Ah! Tabi, tabi, tabi!!!"

I looked over my shoulder at nanlaki ang mga mata nang makita ang isang babaeng nakasakay sa motorsiklo and was charging towards me. I immediately took a step sidewards at buti na lang, sa gate bumangga 'yung babae, hindi sa'kin. Agad naman siyang dinaluhan ng mga gwardiya doon at lumapit sa kanya ang isang lalaki. Napatingin ako sa silver cross na piercing niya nang matamaan ito ng sinag ng araw.

"Babe! Okay ka lang ba!?"

"Heh! Ikaw kaya dumikit sa gate!? Sakit ng ilong ko—ahh!!!"

"Aray!" Whoa, intense. Hinampas no'ng babae ng helmet ang lalaki. Nagkamot naman ito ng ulo, "Bakit ba, babe?"

"Ikaw, Psyche ah! Ilang ulit ko ba dapat sabihin sa'yong 'wag mo 'kong matawag na babe!?"

"Haaaa? Eh ang dull naman kung Jill lang!"

Nilagpasan ko na lang silang nagtatalo. Ano ba problema ng mag-syotang 'yon. Sa harap pa talaga ng eskwelahan mismo nagtatalo, eh. Pero hindi ko mapigilan ang sariling matawa. "Pasalamat nga sila't tinulungan sila ng isang 'yon, eh." Ha? Teka...

Huminto ako sa paglalakad after realizing what I just said. Ano ba alam ko tungkol sa kanila? Sino ba sila? Ano ba 'to??

"If it means I get to keep them both, then I don't mind."

Napayuko ako nang makaramdam na parang may tumutusok sa utak ko. I gripped my head tight dahil parang mababasag na 'yon sa sakit. I gritted my teeth at nararamdaman ko ang tumatagtak kong pawis. Tangina, sino ba ang babaeng 'to!? "Umalis ka, umalis ka, tumigil ka na, tumahimik ka na..." I muttered under my breath whilst gritting my teeth. Ang sakit sakit na talaga ng ulo ko.

"Hi!"

Bakit gano'n? Malapit siya sa'kin pero hindi ko makita ang mukha niya. Sino ba siya? Bakit niya ba pinapasakit ang ulo ko!?

"Okay ka lang?"

"Tawagin niyo ang doctor ng infirmary, dali!"

"Tumawag na lang kayo ng ambulansya!"

"Ambulansya agad!?"

Muling sumakit ang ulo ko dahilan para mapaungol ako sa sakit. Umaalingawngaw sa ulo ko ang tunog ng ambulansya at may nakikita akong mga taong nagkukumpulan. Nakita ko rin ang tinatawag na Jill at Psyche. Nag-iiyak sila habang papasok ng ambulansya. Ano ba 'to? Memorya ko pa ba 'to?

"It would be a lie...if I said I won't regret anything."

Huh? We're in the ICU? Teka, sino ba 'tong nasa kama ng ospital? Nang makita ko ang buong kapaligiran, nagulat ako dahil nakikita ko ang mga magulang ko. Halata ang pagpipigil ng ina at ama ko sa mga luha nila habang inaalo ang ibang nando'n. Who the hell are these people!? Tinignan ko ulit ang babaeng halatang nakatingin sa'kin judging from the angle of her face. Pero masyadong maliwanag dahilan para hindi ko makita ang mukha niya.

Sumakit muli ang uli ko. Hindi ko na kinaya so I bumped my forehead on the ground real hard. I could faintly hear the voices surrounding me pero mas dominant talaga ang mga pangyayari flashed before me. "Sino ka ba!?" sigaw ko. "Will you just leave my mind already!? Who the hell are you!? Arrrgh!"

The light somehow became dim at dahan-dahan itong naglaho. Revealing the tear-stricken face of the girl lying on the hospital bed. She had lots of injected things on her and the only thing that kept her living was the beeping machine beside her. Nakatingin siya sa'kin at nakita ko ang namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Pumatak ito when she slowly forced a smile.

"I regret not being there when you wake up."

And as if on cue, a bunch of memory played fastforward rushed into my head. Nararamdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko and as I slowly sat up, at that precise moment, I wished some meteor would strike me. Ang bigat bigat ng dibdib ko. Pakiramdam ko, I was just pounded with a lifetime of memories. Memories that were part of me. Tangina. Bakit ngayon ko lang naalala ang lahat ng ito!?

Napatingin ako kina Jill at Psyche. They were looking at me, as well. Everything and everyone became blurry at silang dalawa lang ang nakikita ko. "Where... where is Heaven?" Nakita ko kung pa'no nanlaki ang mga mata nila and when they looked past me, sinunod ko ang tinignan nila. 

Amidst the swirling crowd, I saw her standing several centimeters away from me. The wind was gently blowing her hair at nakangiti siya sa'kin. Nakita ko kung pa'no namuo ang mga luha sa mga mata niya and then she smiled and said...

"Hi."

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon