Chapter 2
The Death Angel
[Heaven's POV]
Pag-uwi ko, dumiretso ako ng kwarto. The moment I locked the door, bumigay ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at hinihingal pa rin ako kahit na hindi naman ako tumakbo.
"Ang bait mong bata para mamatay..."
Tinakpan ko ang mga tenga't pinikit ang mga mata. Iisa lang ang nararamdaman ko ngayon—takot. Bumabalik-balik sa isipan ko ang seryosong mukha ng matanda. Ang mga mata niyang tagos sa kaluluwa ang tingin. Ang boses nitong malamig. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Bakit ganito ang epekto sa'kin ng sinabi ng matanda? Bakit parang naniniwala ako sa sinabi niya?
Dahil bigla siyang naglaho.
I buried my face on my knees habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa tenga. "Hindi... Hindi..." bulong ko. "Hindi 'yon totoo... N-Nagbibiro lang siya... nagbibiro lang... hindi ako natatakot..." Paulit-ulit. Paulit-ulit hanggang sa 'di ko namalayang nakatulog na pala ako sa gano'ng posisyon.
Nang imulat ko ang mga mata ko, nasa isang madilim na lugar na ako. Luminga-linga ako sa paligid. Wala. Wala akong ibang nakikita kundi kadiliman lang. "N-Nasa'n ako?" mahina kong bulong. "May tao ba diyan!?" sigaw ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang walang sumagot—nang maramdaman kong...ako lang ang nandito. Teka, nasa kwarto lang naman ako kanina. Pa'no 'to nangyari?
Teka, hindi ito ang oras para magmukmok. Kaya tumayo ako't napagdesisyunang maglakad. Baka sakali'y may mahanap ako. Baka sakali'y may ibang tao dito bukod sa sarili ko.
Ngunit mali ako. Mali na naman. Kahit anong liko ang gawin ko, wala pa ring nangyayari. Walang nagbabago. Kadiliman pa rin. Lahat. Kaliwa, kanan, itaas man o sa baba... kadiliman. Bigla akong kinabahan. Biglang binalot ng takot ang buo kong pagkatao.
Nasa'n ako? Bakit ko nakikita ang sarili ko..?
"Ang bait mong bata para mamatay..."
Tumayo lahat ng balahibo ko nang marinig ang boses na 'yon. Nang marinig ang mga katagang iyon. Luminga ako para hanapin kung sino ang nagsasalita. Ngunit wala. Walang ibang tao... Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga mata ko... ang pagngilid ng mga luha. "Ano ba kailangan mo!? Hindi na 'to nakakatuwa! Tigilan mo na ako!"
"Ang bait mong bata para mamatay..."
"Shut up!!! Shut up! Shut up! Shut up!! Tumigil ka na, please lang!!" iyak ko habang paulit-ulit na naririnig ang katagang 'yon. Tinakpan ko na ang mga tenga ko at buong lakas na sumigaw, "Hindi pa ako mamamatay!! Marami pa akong pangarap sa buhay!! Marami pa akong gustong gawin! Kaya hindi pa ako pwedeng mamatay!!!"
"May taning na buhay mo."
My eyes snapped open nang marinig ang boses na 'yon. Hinihingal ako at malakas pa rin ang tibok ng puso ko. Nasa kwarto na ako. Nasa kwarto na ako. Nakaupo pa rin sa sahig.
"P-Panaginip..." napahawak ako sa dibdib ko at isinandal ang ulo sa pinto. "Panaginip lang..."
Pero kaninong boses ba 'yon? Ibang-iba sa boses nung matanda. Malamig at malalim. At halatang boses 'yon ng isang binata. Napahawak ako sa magkabilang braso. The voice that woke me up...it sounded so close. Para bang...nasa tabi lang siya? Nakakakilabot.
Nang maalala ang sinabi niyang may taning na ang buhay ko, napasinghap ako sa naalala. Ang librong binasa ko sa library at ang mga nakasulat doon.
"Ven?" katok ni mama sa pinto na nagpapitlag naman sa'kin. "Anak? Aren't you coming down for dinner?"
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?