Chapter 10

687 19 2
                                    

Chapter 10

She dies, you live


[Dimitri's (Death God) POV]

"Just what the hell were you planning back there, Arc?"

Mula sa likuran ko, nakarinig ako ng pagtawa. Hindi niya siguro inaasahang malalaman kong nasa likuran ko lang siya. "Thanks for noticing me, Master."

Nasa mga monitor pa rin ang atensyon ko, "I don't think you did that just so you could have my attention." Naramdaman ko ang pagtabi niya sa'kin. Siya man rin, nakatingin sa mga monitor.

"That Alucard..." simula niya. "He's become somebody really interesting."

Napangiti ako, "I see your observation skills haven't dropped."

Natawa na rin siya, "Praise me more, Master."

Biglang nagflash sa screen si Heaven na bitbit ni Psyche. Nakasunod sina Jill, Kei at Lin sa kanila. Lumapad lalo ang ngiti ko nang makita ring nakasunod si Lucrad sa kanila sa itaas. Izinoom-in ko ang mukha niya at kitang-kita ang nakapintang ekspresyon sa mukha niya. Magkahalong galit at pag-aalala. Narinig ko ulit ang halakhak ni Kale.

"Look at that expression. It's my first time seeing that."

I nodded, "He did become really interesting."

Lucrad, Lucrad, Lucrad... Your wish...

Tutuparin mo pa ba?


[Heaven's POV]

"Mamamatay ka na!! Hahahahaha!"

"Miss, peksman, hindi 'to masakit. Sa simula lang."

"Lucrad!!" Nasapo ko ang dibdib at hinihingal na lumingon-lingon. Nasa kwarto na ako. Teka...pa'no nangyari 'yon? Ka-Kanina lang...wasn't I on the brink of death? Ano ang nangyari?

Napapitlag ako nang biglang bumalandara ang pinto ng kwarto ko at iniluwa sina Jill, Psyche, Mama, Lin at Kei. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Umupo si mama sa tabi ko at hinawakan ako sa magkabilang pisngi, "V-Ven, anak... O-Okay ka lang ba? M-May masakit ba sa'yo?"

Pilit akong ngumiti sa kanya at mahinang umiling. Hinawakan ko ang mga kamay niya at naramdaman ang pagpatak ng luha ko. Bigla akong niyakap ni mama at ni Jill. Si Psyche naman, I heard him sigh with relief. Tinignan ko siya, "A-Ano ang nangyari..?" Did Psyche save me?

Si Kei na ang sumagot, "Nakita ka po naming walang malay sa gilid ng eskinita, ate."

"Ate, ate! Ang gwapo po pala ng Guardi—" naputol ang sasabihin ni Lin nang biglang tinakpan ni Kei ang bibig niya at nakita kong may binulong si Kei dito. Tumango naman si Lin at nang binitawan na siya ni Kei, ngumiti na lang siya.

"Sino ang sinasabi mong gwapo, Lin?" lingon ni mama sa kanya.

Umiling lang ito at nag-peace sign, "Wala po. Ehehehe..."

"Baka naman ibig niyang sabihin, gwapo ako?" singit naman ni Psyche.

"At kelan ka pa naging gwapo?" sagot naman ni Jill dito.

He planted his hands on his waist and smiled confidently, "Hindi mo naman siguro ako sasagutin kung hindi, 'di ba?"

Nang binatukan siya ni Jill, nagtawanan kami. Napahinto ako at napatingin sa sariling braso. May suot pala akong maitim na...teka. Kay Lucrad 'to, 'di ba?

Napansin ata ni Psyche ang pagtingin ko sa suot na cloak kaya nagsalita siya, "Nang makarating kami do'n sa eskinita, suot mo na 'yan."

Tiningala ko siya, "Y-Yung tatlong lalaki? A-Anong nangyari sa kanila?"

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon