Chapter 12
Unlucky 9
[Heaven's POV]
"Maraming salamat talaga, hija, sa pagbibisita mo sa kanya," sabi ni misis Alucard na nakangiti. Nakaupo kami ngayon sa sofa ng hospital room. Tinignan ko ang katawan ni Lucrad. "You could approach him..."
Napalingon ako sa kanya, "A-Ay! Hindi na po. Ehehehe..."
"I'm sure he'll be happy, hija," sabi naman ng ama niya. Wala akong ibang choice kundi ang lapitan ang katawan ni Lucrad. Nang makalapit ako, bumilis ang pagtibok ng puso ko. Parang natutulog lang siya. Payapang natutulog. Ang haba rin pala ng pilik mata ng isang 'to. His hair's not white... It's dark brown. Hindi rin putla ang balat niya kundi maputi. Ano kaya ang kulay ng mga mata niya? Sigurado akong mas gwapo siya kesa sa Death Angel version niya.
Napangiti ako nang malungkot. Hindi ko rin naman makikita ang pag-gising niya. Hindi ko siya makakausap. Dahil siguradong wala na ako rito the moment he wakes up. The moment Lucrad goes back to his body. Maaalala pa kaya niya ako?
"Sa'n mo pala siya nakilala, hija?" Napapitlag ako't nilingon ang ina niya. "Were you classmates before?"
Ano ba dapat kong sabihin? "A-Ah...hi-hindi po." Napahawak ako sa likod ng ulo ko at ngumiti, "Tinulungan niya kasi ako nung muntik na akong madisgrasya... kaya po..." Ibinaba ko ang kamay at inilagay ang mga ito sa likuran ko while fiddling it, "...hinanap ko po siya and...hindi po ako nag-expect na may nangyari palang masam—" Ngunit hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla akong hinawakan ng ina niya sa magkabilang balikat. Her eyes were shining. "A-Ano po 'yon?"
She nodded, "Mm. Mm. First love mo pala ang anak ko, hija..."
"H-Ha??" Lumingon-lingon ako para siguraduhing hindi siya narinig ni Lucrad at laking gulat ko na lang nang mapagtantong wala nga si Lucrad sa loob. Asa'n siya? "H-Hindi po! Gusto ko lang po magpasalamat sa kanya.."
"Heaven, dear, don't tell me you're unconscious about your feelings for my son?"
"Eh...hindi naman—"
"If he wakes up, I'm sure he'd be happy..." Nang tinignan niya nang malungkot ang katawan ni Lucrad, natigilan ako. "His classmates used to come for him pero hindi nagtagal...hindi na sila bumisita. It pained me to see that his friends were slowly forgetting him. Kaya Heaven..." And then she looked at me, "Please don't forget my son? Please be here when he wakes up."
Sa mga oras na 'yon, parang may humugot sa puso ko. Pinilit ko ang sarili na ngumiti and just nodded. Natatakot ako na kapag magsasalita ako, baka maiyak lang ako. Of course I want to be here when he wakes up. Kaso...hindi mangyayari 'yon.
Tinignan ko ang ama niyang nakangiti lang sa'min. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya, tumingin na rin siya sa'kin. Ngayon ko lang napansin, magkahawig sila ng ama niya.
"I wanted to apologize to him..."
"N-Naaalala ko po pala, sir..." Nagtatakang binitawan ng ina niya ang mga balikat ko at ang ama niya naman, nanatiling nakatingin sa'kin. Teka, dapat si Lucrad ang magsabi. Dapat siya. "Ah...wa-wala po. Hehe. U-uuwi na po pala ako. Hinahanap na ako ng mga magulang ko, eh."
"Oh." Tinapik ng ina ni Lucrad ang balikat ko, "Mag-ingat ka sa pag-uwi, hija."
"Opo." Sinulyapan ko ang Lucrad na natutulog sa hospital bed. Sa mga oras na 'yon, nakita ko ang Death Angel na Lucrad na nakalutang sa ibabaw ng sarili niya. 'Wag kang mag-alala. Makakabalik ka sa katawan mo.
BINABASA MO ANG
Off-limits[Completed ♥](F)
General FictionAlam niyo ba kung anong klase ng pag-ibig ang pinakamasakit?