Chapter 4

910 22 1
                                    

Chapter 4

Are they?


[Heaven's POV]

Mapupulang mata... Silver hair...

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at umupo sa desk ko. Kinuha ko ang librong hiniram ko mula sa library. Tama, hiniram ko 'yon kahapon. Isang linggo na rin kasi ang nakalipas mula no'ng nakita ko ang Death Angel.

Death Angel. Hah. It sounds really funny coming from me. Umiling-iling na lang ako at binuksan ang libro sa huling pahinang nabasa ko.

Sa pagbabasa ko, nalaman kong may nagsisilbing messenger ang mga nangongolekta ng kaluluwa. Ito ang magbibigay ng warning sa taong malapit nang mamatay. Nakasaad rin sa libro na minsan daw, nagpapanggap sila na kauri ng tao para hindi sila mahalata. Para silang undercover agent, ano?

Teka nga. Yung matandang babae. Siya kaya yung Death Messenger? Tsaka ayon sa libro, ang pinapaalam nilang may taning na sa buhay ay yung mga merong sakit na hindi na matutulungan ng kahit na sinong doktor.

Wala naman akong nalalaman na may gano'n akong klaseng sakit ah. Teka...

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at muntik pang madapa nang tumakbo ako pababa ng hagdan. Phew. Buti muntikan lang 'yon. Baka namatay na ako. Teka, hindi ito ang oras para mag-isip ng ganyan. Besides, tatanungin ko pa si mama. Nasa trabaho kasi si papa at on-leave naman si mama dahil nga nagdadalang-tao.

Pagbaba ko ng sala, nasa sofa siya, nanunuod ng paborito niyang Soap Opera habang ngumunguya ng popcorn. Tinali niya ang mahabang buhok at naka-indian style ang pagkaupo.

"Ma," tawag ko habang lumalapit.

Lumingon naman siya sa'kin habang nagsusubo ng popcorn, "O, Ven! Dali! Nuod tayo!"

Napangiti ako at umupo sa tabi niya, "Ma, alam mo namang hindi ko tipo ang mga ganyan, eh."

"Sus, 'tong batang ito! Try mo lang, anak. Madadala ka sa mga emosyon nila. Akalain mo, nainlove yung magbest friend sa iisang tao? Nakuuuu! Napaka-complicated talaga!" kwento niya.

Kahit kasal na 'tong si mama't may mga anak na, ang hilig pa rin sa mga ganitong klaseng palabas, eh. "Tss. Mag best friend? Tapos yung ending, either mawawasak ang friendship nila o maglelet go yung isa."

Napanganga naman si mama. Nang makabawi, she pouted, "Spoiler mo naman masyado."

Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya. "Kaya nga ayaw ko sa mga 'yan eh—wait." I mentally slapped myself nang maalala bakit ako bumaba. "Hindi nga pala 'yon pinunta ko dito."

She blinked, "Hmm?"

"Ma..." lumunok muna ako. Kinakabahan sa maaaring isagot niya. "May, may sakit po ba ako?"

Susubo na sana siya ng popcorn pero napahinto siya't nabitawan pa 'yon. "H-Ha?" nakita ko kung pa'no nanginig ang mga kamay niya sa nang inilagay niya ang bowl ng popcorn sa mesa. "A-Ano? B-Bakit? May nangyari ba? May nararamdaman ka bang...kakaiba, anak?"

"W..Wala naman po." Tinignan ko siya nang mataman. Bakas sa mukha niya ang kaba at takot. Dahil sa ekspresyon niya, nahuhulaan ko na ang sagot niya.

May sakit nga talaga ako. Kaya ako nilapitan ng Death Messenger. Kaya ko nakikita ang Death Angel.  Pero bakit ganon? Wala naman akong nararamdamang kakaiba sa katawan ko. Hindi rin naman ako masakitin. Tsaka, bakit naman itatago nina mama at papa mula sa'kin na may sakit ako? Bakit nga ba? May sakit nga talaga ako?

Nang makita kong may pumatak na luha sa pisngi ni mama, nagbabadya na rin ang mga luha sa mga mata ko.

Meron nga. May sak—

Off-limits[Completed ♥](F)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon