Chapter 10 "Ang Babae sa likod ng Maskara"

870 7 2
                                    

Kabanata 10 "Ang Babae sa Likod ng Maskara"

(Samantala,sa bahay ni Ruffa...)

Ruffa : Magsalita ka na,ano ba ang intension mo para gawin ito sa kanila? Ang tagal ko na kayong itinuring na anak-anakan,tapos ganito lang kayo ngayon? Dahil sa isang lalake,magkakasira ang samahan ninyo?

Judith : Wala naman kasi talaga akong nalalaman! Kalagan nyo nga ang pagkakatali ko ditto sa upuan!

Karen : Huling huli ka na,magdedeny ka pa?! Kung hindi ka ba naman kasi tanga! Iniwan mo ang lipstick mo sa tabi ng sulat,at masyadong halata yang nguso mong namumusarga sa Pulang Lipstick! Itinuturo ka nan g ebidensya,ikaw ang babae ni Xedrik!

Judith : Bakit ba ako naman ngayon ang napagbibintangan?! Kung tutuusin wala talaga akong ginagawang masama dahil bukod sa wala naman talaga akong alam sa Sulat at Lipstick na iyan,hindi naman ako nakipagrelasyon o nakipag-one night stand sa fiancée ng kaibigan ko!

Elleri : (Sinampal si Judith) Bastos ka!

Judith : Bakit?! Totoo naman ah!

Ericka : (Sinampal si Judith) Iba naman ang kaso namin sa iyo! Si Elleri,hindi nya alam na ang Ex Boyfriend nya pala ang fiancée ni Chloe. At ako naman,wala akong alam na ang Friends with Benefits ko ay si Xedrik! Eh ikaw,pinaikot ikot mo nga ang lahat na kami ni Elleri ang kabit ni Xedrik,yun pala,sumasalisi ka na!

Judith : Magpasalamat kayo,nakatali ako,pag ako,nakawala rito,sinasabi ko sa inyo...

Karen : (Sinakal si Judith) Bakit?! Anong gagawin mo?! Ano?! Hindi ka makasagot?! Aahhh... alam ko na,mas uunahin mo nga namang ikama si Xedrik!

Judith : Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako si Butterfly Lady na nagpapadala ng Anonymous Letters at lalong hindi ako ang babae ni Xedrik!

Ericka : bakit? Sa tingin mo maniniwala pa kami?

Judith : Lalabas rin ang katotohanan,hintayin nyo lang!

(Dumating si Dezsah na bagsak ang Balikat...)

Dezsah : Pakawalan na ninyo si Judith.

Karen : Ano'ng arte 'yan, Dezsah?!Kanina halos patayin mo na ang malanding babaeng ito, 'tapos ngayon iuutos mo'ng pakawalan?!

Dezsah : Tumawag sa akin si Chloe, nagsusumbong,May hinabol raw siyang babaeng nakamaskara,si Butterfly Lady raw yun..

Ericka : Ano? Si Butterfly Lady? Eh ayan si Judith ah? Iniinterrogate natin...

Dezsah : Sa huling pagkakataon ay tatanungin kita. Bakit pareho ng kiss mark na nasa sulat ang lipstick mo?

Judith : Ang totoo nyan,nakatanggap na naman ako ng sulat galling kay Butterfly Lady kanina habang pinanonood ninyo ang CCTV Footage sa Product launching ni Dezsah. Nakita ko na may marka ng Lipstick,at mukhang pamilyar,kaya kinuha ko yung lipstick bag ko at tinesting ko sa lips ko. Idadampi ko sana ang labi ko kaso walang tissue,bumili ako sa labas,at nun namang pagdating ko ay inaway ako ni dezsah kaya di na ako nakapagpaliwanag pa...

Ericka : Totoo ba iyan,Judith? Hindi ka nagsisinungaling?

Judith : Totoo lahat ng sinabi ko,kaya please lang pakawalan nyo na ako!

Elleri : Bago ka namin pakawalan,nais muna naming humingi ng paumanhin sa iyo..

Judith : Anong ibig nyong sabihin?

Karen : Pasensya na kung sinaktan ka namin,nagkamali kami...

Judith : Hindi ko maintindihan...

Dezsah : Tinawagan ako ni Chloe kani-kanina lang,nakipaghabulan daw siya sa isang babaeng nakamaskara. Judith pa nga ang tawag nya sa babaeng iyon,ngunit sinabi ko sa kanya na hindi ikaw ang hinabol at nakasakitan nya sa Fire Exit ng Ospital dahil kasama ka namin...

Chocolates and TemptationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon