Kabanata 16 "Ang Pagpili ng Kapalaran"
Xedrik : Chloe...
Judith : Hindi mo siya pwedeng piliin! Paano kami ng anak mo?
Xedrik : Ikaw pa rin ang pipiliin ko,Chloe kahit na ano pa ang mangyari...
Judith : No,Xedrik... Ako ang piliin mo!
Chloe : (Umiiyak) Wag mo na akong piliin,Xedrik... Sa tingin ko ay hindi talaga tayo para sa isa't isa...
Xedrik : Chloe... Ikaw lang ang babaeng mahal ko...
Chloe : Xedrik,pagod na ako eh... Pagod na akong mahalin ang isang katulad mong puro pasakit lang ang ibinibigay sa akin...
Irenea : Chloe,hija...
Xedrik : Chloe,wag mo namang gawin sa akin ito...
Ruffa : Alam nyo,dear flowerettes,I think it's time na para magparaya na si Sisterette Chloe... Kasi Papa Xedrik,sobra na talaga eh.. Gravity na ang sakit na inaabot nya sa iyo..
Chloe : Panahon na para pakawalan kita...
Judith : Wag mo ng balikan ang babaeng iyan! Tayo ang dapat na magsama-sama dahil tayo ang totoong pamilya! May anak ka sa akin! Dala ko ang iyong dugo't laman!
Xedrik : Tantanan mo ako,Judith! Dahil sa iyo ay hindi matutuloy ang kasal na matagal kong pinangarap!
Chloe : Sige na,Xedrik,sumama ka na sa kanya... Kayo ang dapat na magsama... May anak kayo...
Xedrik : (Lumuhod sa harap ni Chloe,Umiiyak) Please,wag kang makinig sa kanya,hintayin nating lumaki ang bata para maipa-DNA Test natin kung akin iyon talaga... Kung akin man iyon,susustentuhan ko lamang ang bata pero hindi ako sasama kay Judith,kung hindi naman akin ay pwede pa tayong magsimulang muli,hindi ba?
Chloe : Tama na,Xedrik,gasgas na iyang acting mo eh,hindi ko na bibilhin yan...
(Tumakbo palabas ng simbahan si Chloe...)
Karen : Chloe!
Elleri : Chloe saan ka pupunta!
(Nagsunuran sa kanya sina Karen,Elleri,Ericka at Dezsah...)
Menchu : Chloe! Chloe!
Irenea : Balae,pasensya ka na sana sa mga nangyaring ito,I'm really really sorry for having Xedrik for a son... Akon a ang humihingi ng pasensya sa iyo..
Menchu : (Nakataas ang Kilay) Irenea,hindi kita mabibigyan ng pasensya sa ngayon dahil bukod sa hindi naman ako nagmamay-ari ng Bakery ay mahirap ibigay ang hinihingi mo,hindi ko kayang patawarin ang anak mo sa paulit-ulit nyang pananakit sa anak ko... excuse me.. (Umalis)
Irenea : Menchu! Menchu! (Bumaling kay Xedrik) Nakita mo na ang ginawa mo?! Ipinahiya mo ako sa mismong araw pa ng kasal mo,sa harap ng madla! (Lumuhod sa altar) Oh Lord! Ano ba ang kasalanan ko for giving me this thug for a son?!
Judith : Lola Barceliza...
Barceliza : Wag mo akong kausapin,wag mo akong matawag tawag na Lola..
Judith : Lola naman...
Barceliza : Judith... Matanda na ako... bigyan mo naman ako ng kaunting kortesiya,magpakita ka ng respeto sa akin... Ikaw lang talaga ang naging sakit ng ulo ko sa tanangbuhay ko,ikaw lang!
Judith : Alam ko naman poi yon,na lagi ko na lamang kayong binibigyan ng problema,pero sana naman this time ay unawain ninyo ako,matagal ko ng gusto si Xedrik,siya lang ang lalakeng pinapangarap ko...
Barceliza : Bakit naman isang lalakeng nakatakda ng magpakasal ang pinangarap mo? Judith,napakaraming lalake sa paligid!
Judith : Lola,siya lang talaga... Mamamatay ako kung di ko siya maaagaw sa babaeng naging dahilan ng kahihiyan ko sa madla 5 years ago!
BINABASA MO ANG
Chocolates and Temptations
Mystery / Thriller"Ang Tiwala ay parang Tsokolate, Hindi na naibabalik sa dating itsura KAPAG NASIRA..." Sa sandaling makaharap ng magkakaibigan ang Pag-ibig at Temptasyon, Ano nga ba ang sa kanila'y mananaig? Isip na nagsasaalang-alang ng kanilang samahan? o Pusong...