Chapter 21 "Mga Nakaabang na Pasabog"

705 6 1
                                    

Kabanata 21 "Mga Nakaabang na Pasabog"

(Lumabas si Judith sa clinic ng tulala...)

Judith : (Naglalakad,Tulala) Hindi maaari ito... (Umiiyak) Paano nangyaring may cancer ako? Bakit....

(Patuloy lamang siya sa kanyang paglalakad habang umiiyak...)

Judith : (Humahagulgol,sa isip) Kay tagal kong pinangarap ang lahat ng ito.... Ang mapasaakin ang lalakeng minamahal ko,at ang bumuo ng pamilya kasama siya.... Napakarami kong sinakripisyo... Ang dangal ko,ang aking trabaho... ipinagpalit ko ang mga kaibigan ko para rito... para sa kanya... Kahit ang lola ko,ang kaisa-isang pamilyang naiwan sa akin ay itinakwil ako para lang sa hangal kong kaligayahan... But what's this? Kung kailan nagsisimulang matupad lahat ng aking inaasam,biglang guguho ang lahat?! Diyos ko naman... Para nyo akong binigyan ng tsokolate at habang nasasarapan ako ay bigla nyo akong inagawan! Sana hindi nyo na lang ipinatikim sa akin ang kaligayahang nais ko! Mas gusto kong masaktan ng hindi iyon nakamit kaysa masaktan dahil kung kailan abot kamay ko na ay bigla pang hinila pataas!

(Pag-uwi ni Judith sa bahay nina Xedrik...)

Judith : Intang,pahinging alak...

Intang : Ha?

Judith : What's the purpose of your damn ears?! I said give me any liquor to drink!

Intang : Ahh.. sandali lamang po...

(Agad na kumuha ng alak si Intang at iniabot kay Judith...)

Judith : (Tinungga ang isang bote) Bakit ganoon.... (Naluha) bakit kailangang ganito ang mangyari...

(Patuloy lamang si Judith sa kanyang pagtungga hanggang sa...)

Irenea : (Inagaw ang bote kay Judith) What the hell are you doing?

Judith : Hindi ba obvious? Umiinom ako!

Irenea : Alam ko,umiinom ka,I'm not that stupid! What I mean is why are you doing this?!

Judith : Wala lang...

Irenea : Ayusin mo ang mga isasagot mo sa akin,Judith... Tinanggap kita rito sa pamamahay ko kahit ayaw ko sa iyo... Pinakikisamahan kitang maigi kaya umayos ka!

Judith : (Inaagaw ang bote kay Irenea) Akin na nga iyan...

Irenea : How dare you give me an order while you're inside my house!

Judith : May problema ako!

Irenea : Wala akong pakialam sa problema mo! Iyang bata sa tiyan mo ang inaalala ko! Saka mo na sirain ang buhay mo kapag naipanganak mo na iyan! Wag mong idamay ang apo ko sa kalokohan mo!

Judith : (Nakikipag-agawan ng Bote kay Irenea) Sinabi ng akin na iyan eh!

Irenea : (SInampal si Judith) Tumahimik kang babae ka!

Judith : (Hawak ang mukha) How dare you slap me....

Irenea : At bakit hindi?!  Buntis ka pa naman tapos iinom ka?! Are you really that dumb to do such thing?!

(TUmakbo na lamang si Judith papasok sa kanyang kwarto...)

Irenea : Judith! Judith! Hindi pa ako tapos magsalita! (Huminga ng malalim)

(Samantala,ang magkakaibigan...)

Karen : What? HInatid ka ni Xedrik papunta sa Ospital kanina?

Chloe : oo..

Ericka : So kumusta naman,Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig ang peg?

Chloe : Ahh.. hindi ko alam..

Chocolates and TemptationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon