Chapter 14 "Ang Ugat ng Misteryo"

791 7 2
                                    

Kabanata 14 "Ang Ugat ng Misteryo"

Judith : (Sinampal si Kenneth) Hindi ako natatakot sa iyo! Hindi ako magpapasindak sa mga pananakot mo,Kenneth!

Kenneth : Marami akong alam sa iyo, at sa bahong itinatago mo!

Judith : Ano ba ang pinagsasabi mo?! Wala akong alam sa mga sinasabi mong bahong itinatago ko,because in the first place,I am not hiding something that can ruin my life!

Kenneth : Sigurado ka? Bakit parang kinabahan ka ng makita mo ang maskarang suot ko?

(Hindi makasagot si Judith...)

Kenneth : Oh,bakit hindi ka makasagot? Di bas i Butterfly Lady ang may-ari ng maskarang ito?

Judith : Bakit kilala mo si Butterfly Lady? Ano ang kinalaman mo sa kanya?

Kenneth : Itanong mo iyan sa sarili mo,ano ang kinalaman m okay Butterfly Lady at sa misteryosong mga sulat na natatanggap ng mga kaibigan mo?

(Hindi ulit makasagot si Judith...)

Kenneth : Hindi mo na naman masagot ang mga tanong ko...

Judith : And why should I ask myself about that?

Kenneth : Dahil nakikita ko sa iyo ang takot... Yung takot na para kang nakakita ng multo... takot na takot ka sa multong ikaw mismo ang gumawa!

Judith : Multong ako mismo ang gumawa?! Are you that insane to utter such words?! Pathetic...

Kenneth : Di ba,ikaw si Butterfly Lady?

Judith : Baliw ka nan gang talaga... (Tumawa) Ako? Si Butterfly Lady?! Ha! Komedyante ka ah!

Kenneth : Ikaw ang nagbibigay ng sulat sa sarili mong kaibigan,at sinisira mo ang relasyon nila ng kanyang lalaking pakakasalan!

Judith : (Aambaan ng sampal si Kenneth) You're really...

Kenneth : (Inawat ang sampal ni Judith) Totoo,hindi ba?! Ikaw ang nagpapadala ng sulat kina Chloe! Ikaw si Butterfly Lady! At ikaw ang babae ni Xedrik!

Judith : (Gulat) Hayop ka,Kenneth... Paano mo nalaman na ako ang babae ni Xedrik?! Sumagot ka!

Kenneth : Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman na ikaw ang babae ni Xedrik,malalaman mo iyon sa takdang panahon. Gusto ko lang malaman, kung ano bang meron ang Xedrik na iyon at nagawa mo akong iwan para lang sa kanya?!

Judith : Dahil siya lang ang gusto ko at siya ang talagang mahal ko! Ang tagal ko ng pinapangarap na makuha siya! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito! Sumumpa ako sa sarili ko na mapapasakamay ko siya, at kahit na may girlfriend siya ay aagawin ko siya! Hindi naman ako masyadong naghirap sa paghahanap dahil kaibigan ko ang kasintahan nya! Akin lang si Xedrik! Akin siya!

Kenneth : (HInawakan sa balikat at niyugyog) At ako,paano ako?! Itatapon mo na lang akong parang basahan pagkatapos mong gamitin?!

Judith : Matagal na kitang itinapon! Kaya pwede na akong magmahal ng ibang lalake!

Kenneth : Talaga bang makikipaghiwalay ka na sa akin?! Talaga bang sinusubukan mo ako?!

Judith : Hindi kita sinusubukan,dahil buo ang loob ko sa mga pinaggagagawa ko!

Kenneth : Subukan mo kung talagang buo ang loob mo kapag ibinulgar ko na ang lahat ng kasamaan mo sa sarili mong kaibigan!

Judith : Talaga?! Ibulgar mo na! Aaminin ko na rin naman sa kanila iyon eh,ihanda lang nila ang sarili nila sa araw mismo ng kasal nila dahil magkakaroon siya ng Runaway Groom,who ran away with her bestfriend! Lalo pa ngayong buntis ako? Sa tingin mob a iiwan ako ni Xedrik pag nalaman nyang dala ko ang anak nya?

Chocolates and TemptationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon