Chapter 5

3.6K 114 18
                                    

Lumipas ang ilang araw at linggo nang hindi pa din nila naayos ang kanilang gusot.Ilang tao na din ang nakakapansin nito pero ginusto muna nila na silang dalawa lang muna ang makakaalam nito.Bumalik din si Vice sa dati niyang nakasanayan na mag party at mag inom gabi-gabi.Laking pasasalamat lang ni Karylle na nandoon ang Team Vice na laging sumasama kay Vice.









Kakatapos pa lang ng Showtime at paalis na sana si Karylle nang studio nang makareceive siya ng text mula sa pamangkin ni Vice na si Camille.Kaagad niya itong binasa dahil hindi rin pumasok si Vice ngayon.




From: Camx 💛

Hi,Tita K! Sorry po sa abala pero pinapapunta po kasi kayo dito ni Nanay. Namamaos na naman po kasi si Tito at hindi po nagkakain kaya hindi niya mainom yung gamot niya.


Imbes na replyan,tinawagan nalang niya ito dahil marami siyang load (char)



"Hello,Cam? What happened to your tito?"


"Nagkulong po dito sa kwarto buong araw at masakit na naman po lalamunan niya.Ayaw naman niya po kumain kaya hindi namin mapainom ng gamot."


"Pasaway talaga 'yan.Sige,I'm on my way. Bilhan ko nalang din siya ng pagkain."


"Sige po.Ingat ka,Tita."


"Uhm,Cam....huwag mo sabihin sakanya na pupunta ako ah?"


"Bakit po? Hindi pa rin po ba kayo nagkakausap?"


Napatigil doon si Karylle at napabuntong hininga nalang.

"Hindi pa eh.Ngayon sana kaso may sakit siya kaya bahala na.Basta papunta na ako."


"Okay,Tita.Thank you po.Ingat ka."

"Thank you din."





Dumaan saglit si Karylle sa favorite Chinese restaurant nila ni Vice para bilhan ito ng soup at fried noodles na gustong-gusto nito. Pagkatapos nito ay kaagad na siyang pumunta sa bahay nila Vice.



"Hi,Nay." Bungad na bati niya sa nanay ni Vice sabay mano dito

"Buti at nandito ka na.Napakatigas kasi ng ulo ni Tutoy at ayaw kumain.Nagkukulong lang doon." Sambit nito at napailing

"Binilhan ko po siya ng favorite niyang soup dahil baka kainin niya po ito." Sambit niya at pinakita ang dalang pagkain

"Sige,ipapahanda ko na ito.Akyatin mo na si Tutoy doon at mag-usap na kayo.Alam kong hindi niyo pa naayos ang dapat ayusin." Makabuluhang sabi ng matanda kaya napangiti ng malungkot si Karylle

"Kahit anong mangyari,huwag mong susukuan ang anak ko ha? Pasensya na kung may pagkamatigas ang ulo niyan pero ikaw lang talaga ang gusto ko para sakanya." Hinawakan niya ang kamay ni Karylle at hinaplos ito

"Maayos din namin ito,Nay.Salamat po." Niyakap niya ang matanda ng mahigpit at nagpaalam na bago umakyat sa kwarto ni Vice


Pagkaakyat niya,agad niyang nakita ang ilang bote ng beer sa labas ng pintuan ni Vice. Kumatok muna siya bago pumasok at nagpapasalamat siya na hindi ito nakalock.


"Vice..." Pagtawag niya sa nobyo na nasa balcony at kasalukuyang humihithit ng sigarilyo

"What are you doing here?" Malamig na tugon niya sa dalaga at hindi pa din tinatapon ang hawak na sigarilyo

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon