Chapter 10

3.7K 102 16
                                    

Nine A.M pa lang at himbing pa si Karylle sa pagkakatulog nang maramdaman niyang bahagyang lumubog ang kama at may humalik sakanyang pisnge.Sa amoy pa lang ng pabango ay alam na niya kung sino ito kaya agad siyang umikot para makaharap ito.



"Good morning,babes." Nakangiting bati sakanya ni Vice sabay halik ulit



"Good morning...ang aga mo ata?" Nakapikit pa din siya at sumiksik lang sa leeg ni Vice


"Maaga ako nagising kanina tapos nag treadmill and swimming ako after pero nainip ako kaya naligo na ako para pumanta dito." Niyakap niya din ang nobya at umayos ng pagkakahiga


Ilang minuto lang sila nanatiling ganun at walang nagsasalita.Gusto lang nila na ganito ang kanilang umaga.Kung pwede lang sana ay magising silang magkayakap araw-araw kaso hindi pa sila kasal at ayaw naman nila ng live in.Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng paggalaw ng crib at sinyales na gising na si Pio. Si Vice na ang kumuha nito sa crib.


"Good morning,my love.How was your sleep?" Tinadtad niya ng halik ang anak na siyang ikina giggle ni Pio at mukhang maganda gising nito "Did you missed Dada? Sorry hindi kita nadalaw kahapon.Napagod si Dada sa work and sabi ni Mama nag sleep ka na daw ng maaga." Nag babble naman si Pio na lalo ikinatuwa ni Vice dahil mas lalo nagiging madaldal ang anak.


"Hala,I almost forgot.It's his 8th month today." Biglang pag alala ni Karylle kaya napatingin ulit si Vice sa anak

"Wow! Big boy na ang little buddy ni Dada!" Pinanggigilan niya niya ng halik ang tiyan ni Pio at tawa lang ito ng tawa


"D....D–Dada." Biglang sabi ni Pio kaya napatigil si Vice sa pagkiliti sakanya habang si Karylle ay halatang nagulat din


"Did he just say his first word?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Karylle at kinuha ang kanyang phone para i-video ang anak


"Baby,say it again.Da...da.Da...da." Naluluha na si Vice at nakaramdam ng sobrang tuwa


"Da–da," Pio said it again and clapped his hands


Vice and Karylle both got emotional after hearing Pio's first word.Tuwang-tuwa si Vice dahil nakailang ulit pa si Pio kaya binuhat niya ang anak at niyakap ito ng mahigpit.Si Karylle naman ay pinatry ipabigkas ang "Mama" at nabigkas ni Pio ito kaya lalo silang natuwa sa anak.










"Wahhh!!! Mini bestie ko!!" Agad sinalubong ni Billy si Vice at Karylle na kasama si Pio at buhat-buhat ni Vice.Hahalik na sana si Billy dito pero pilit na tinulak ni Vice papalayo ang mukha ni Billy


"Bigote mo!" Suway niya dito dahil minsan ng nangati ang pisnge ni Pio sa bigote niya

"Edi,pakarga nalang!" Kinuha niya si Pio kay Vice at hindi naman umiyak si Pio pero nakatingin lang ito kay Billy


Maya-maya din ay nagsi datingan na ang ibang hosts at pinagkaguluhan na si Pio dahil ngayon lang ito nakapunta sa studio.


"Ayan na lolo ninong mo.Bless ka diyan,anak dali!" Kinuha ulit ni Vice si Pio at tinuruan mag bless kay Direk "Mayaman 'yan anak kaya dapat huwag mo kakalimutan itsura ni lolo ninong."


"Hoy,ako din naman mapagbigay kay Pio. Dapat hindi din niya ako kalimutan." Pagsingit naman ni Anne

"Hindi ka talaga makakalimutan eh paano pagkapanganak pa lang niya boses mo na agad narinig." Mataray na sambit ni Vice at umirap dito


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon