Chapter 43

3.5K 129 147
                                    

Karylle just woke up and realized na siya na lang mag-isa sa kama. After their talk last night at nang magka ayos na sila, doon na niya pinatulog si Vice. Masyado na daw kasing gabi at baka mapaano pa ito. After how many years, nagkasama na ulit sila sa iisang kama pero nasa gitna ang kanilang mga anak siyempre.


Inisip niya na baka kanina pa nagising ang mga ito dahil naririnig na niya ang tawa at sigaw ng mga anak kaya, dumiretso na siya sa banyo para makapag hilamos.

Dahil malaki ang salamin sa kanyang banyo, nakita niya kaagad ang isang note na nakadikit sa kanyang noo.



"Good morning, Kulot! :) Buti naman at gising ka na dahil for sure, nagkakalat na mga anak mo sa baba hehehe! God bless u and have a blessed day ahead ;)

P.S. Namiss ko 'yang Lion King hair mo hehehe!"



Gumihit ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi nang mabasa niya ang note na iyon. She knows na si Vice ang nagsulat nun dahil ito lang naman ang kasama niya kagabi at kabisado niya ang handwriting nito.


Nakangiting bumaba siya para sumali sa mag-aama but she was surprised nang si Michelle pala ang nandoon at kaya pala tuwang-tuwa ang kambal dahil nandoon din ang kanilang pinsan.


"Umasa kang nandito pa si Vice 'no?" Pang-aasar agad nito sa kanya dahil obvious na obvious na may hinahanap ang mga mata nito pagkababa pa lang

"Sorry ka at tinawagan siya ni ate girl kanina." Dagdag pa nito kaya nagtatakang tumingin si Karylle sa kanya


"Hello, mine...miss na kita.. miss ka na namin ni baby. Bilhan mo daw siya olaf... miss na daw niya si daddy...I miss you, mine... Matagal ka pa ba diyan? I love you, mine..." Panggagaya nito kay Bea dahil hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ng mga ito kanina.


"Ano ba, marinig ka ng mga bata." Reklamo ni Karylle na may halong pagsusungit


"Sus selos ka lang eh." Patuloy pa din nito and Karylle just rolled eyes on her


"O, pambawi." Inabot nito ang isang note at mukhang kay Vice ulit galing




"Meet me at the central park later this afternoon. Lunch tayo?"

-Vicey the kayutie!



Ang kanyang pagka inis ay napalitan muli ng ngiti at hindi niya maiwasan na kiligin sa note na iyon. Hindi din iyon nakatakas sa paningin ng kanyang pinsan.



"Makati din 'yang asawa mo 'no?" Pambabasag ni Michelle ng moment kaya sinamaan siya ng tingin ni Karylle na siya namang ikinatawa niya





"Alalay sa damdamin. Lalambot-lambot lang 'yan pero tumitigas kapag bumubuo."


















Vice is smiling from ear to ear habang nakaupong hinihintay si Karylle. Hindi niya maintindihan kung bakit pakiramdam niya ay sobrang saya ng araw niya ngayon. Alam niyang mali lalo na't kanina lang ay kausap niya si Bea, but there is still part of him na nagsasabing wala namang masama dahil si Karylle pa din ang asawa niya. Seems like his mind is trying to convince him na maging masaya na lang ulit kay Karylle pero kaagad niya iyon inalis sa isipan dahil he already made his decision. Pilit niyang tinatatak sa isipan na si Bea ang pinili niya at masaya lang siya na okay na sila ni Karylle. After all, they could still be friends para sa mga anak.



"Lalim naman ng iniisp mo."



Mukhang naging matagal ang pagkatulala at hindi niya namalayan ang pagdating ni Karylle.


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon