Chapter 18

3.2K 115 17
                                    

Pagkamulat ni Vice, himbing pang natutulog si Pio sakanyang dibdib. Hinaplos niya ang matambok na pisnge nito at hinalikan bago niya ito hiniga sa tabi niya. Tinapik-tapik niya pa dahil bahagya ito naalimpungatan. Nang bumalik na ulit sa pagtulog ang anak, nilagyan nalang niya ng unan ang mga gilid para hindi ito mahulog.

Pagkababa niya, may mga nakahandang almusal na pero hindi muna siya kumain. Nagpalabas muna siya ng banana at gulay na kanyang gagamitin para sa smoothie ni Pio. Ayaw kasi nito kumain ng mga gulay kaya naisip nila ni Karylle na ihalo ito sa paboritong banana smoothie ng anak.

"Tutoy, aga mo nagising." Biglang pasok ni Nanay Rosario na ikinagulat ni Vice dahil nakatalikod siya dito.

"Nanay naman, bigla-bigla sumusulpot." Birong reklamo niya sa ina habang sinasalin na sa baso ni Pio ang natapos niyang gawin

"Ano ba 'yang ginagawa mo? Huwag mong sabihin sa'yo 'yan. Akala ko ba ayaw mo na ng saging?"


"Ayaw ko naman na talaga nun 'nay. Mani na talaga hilig ko chos!" Nilapag niya ang baso sa lamesa bago inalalayan ang nanay makaupo
"Ayaw kasi ng apo niyo kumain ng gulay kaya naisip namin ni Karylle na ihalo nalang tutal paborito niya 'tong banana smoothie. Ibang gulay kada araw."

"Hindi ba mag tae apo ko niyan?" Pagtataka ni Nanay Rosario habang inaamoy ang ginawa ni Vice "Sigurado kang safe itong ginawa mo? Ikaw pa talaga gumawa."

"Grabe ka saakin,'Nay. Natututo naman na ako sa kusina. Tinuruan naman na ako ni Karylle." Pagtanggol ni Vice sa sarili


"Speaking of Karylle..." Doon palang sa sinabi ni Nanay Rosario ay may idea na si Vice saan mapupunta ang usapan nila "I talked to her last night when she came here. Alam kong may problema kayo at ayaw mo sabihin saakin kaya siya nalang tinanong ko. She was hesistate to tell it to me,at first pero kinwento na din niya saakin."


"Ano naman po sinabi niya sa'yo? Tungkol sa kasal na naman?" Walang ganang balik ni Vice na walang emosyon sa mukha


"Alam mo, 'Toy, naiintindihan ko si Karylle. Nanay din ako at alam ko na lahat ng ihahangad niya ngayon ay hindi para sakanya, para din sa anak niyo. Natatakot lang iyon dahil galing siya sa broken family. I'm sure she also wouldn't want that for Pio." Pagpapaliwanag ni Nanay Rosario sa anak pero umiiling lang ang huli


"Para naman kasi niya ako hindi pinagkakatiwalaan, 'Nay. Natatakot din naman po ako siyempre. Ayon nga dahilan kung bakit hindi ko siya mapakasalan.... Natatakot ako masira ang pamilya namin. Inaamin ko naman po na may pagkamanhid ako minsan at kinakatakot ko na baka makagawa ako ng bagay na maari ko silang saktan."


Naiintindihan din ni Nanay Rosario ang anak lalo na't hindi din ito madali para kay Vice. Sino nga ba din kasi mag-aakala na magmamahal ulit siya ng babae at magkakaroon din ng kanyang sariling pamilya. He didn't plan on having his own family until Karylle came into his life.

Kinuha niya ang kamay ng anak at hinawakan ito ng mahigpit. Binigyan din niya ito ng ngiti na makakapagpagaan ng loob ni Vice at parang sinasabi na nandito lang siya palagi para suportahan ang anak.


"Basta, hindi ako papayag na madagdagan ang apo ko hangga't hindi pa kayo kinakasal ni Karylle. Siya ang tipong babae na dapat pinapakasalan. Sana hindi mo iyan makalimutan, Tutoy. Napakaswerte mo nga sakanya at wala na akong ibang mas gugustuhin para sa'yo kung hindi siya at siya lang. Bukod saakin eh siya lang nakakatiis niyang kakulitan at topak mo." Natawa naman si Vice sa sinabi ng kanyang Nanay dahil totoong silang dalawa lang kumakaya sa topak niya


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon