Chapter 20

3.6K 119 11
                                    

Sa mga hindi naka view, in-unpublish ko siya kasi may inedit lang ako hehehe sorry 😁








Ilang buwan ang lumipas at abala pa din ang mag-ama sa pagaasikaso ng Unkabogable Wedding. Kasabwat ni Vice pati ang manager ni K at inalam niya kung tuwing kailan may gig or event na pupuntahan ang dalaga para doon sila makaalis ni Pio at kunwaring "mamamasyal". Nasabi na din ni Vice sa mga magulang nila ang balak niya at natuwa ang mga ito at sinabing susuportahan at tutulungan siya maisagawa ang plano.




"Lalim naman ng iniisip mo." Puna ni Karylle kay Vice nang makita niya ito na nakatulala at nakakunot ang noo

Napabalik naman sa huwisyo si Vice at napaayos ng upo at saka hinatak si Karylle sa kanyang tabi. Niyakap niya ito patagilid at sumiksik sa leeg ng nobya.

"Iniisip ko lang kung papayag ka na isama ko si Pio sa Hong Kong. Nagpaalam kasi ako sakanya kanina na mawawala ako ng dalawang araw para pumuntang Hong Kong tas tinanong niya ako kung pwede siya sumama dahil gusto nga daw niya pumunta ng Disneyland." Pagsisinungaling ni Vice dahil ang totoo niyan ay planado niya talaga na isama si Pio sa Hong Kong. Pupunta siya doon kasama ang mga bakla, hindi para mag shopping kung hindi para bumili ng singsing nila para sa kasal

"This weekend ka pupunta doon 'di ba?" Paglilinaw ni Karylle at tumango naman siya


"Kapag kasama ko si Pio, sama ka na din para makapag bonding tayong tatlo." Sabi niya pa at hinigpitan ang yakap na parang naglalambing


"Babes, alam mo naman na puno sched ko for this month 'di ba? My Sundays are even occupied at hindi ko pwedeng hindi puntahan 'yon dahil lahat 'yon ay may contract." Malungkot na tugon ni Karylle kasabay ng pag haplos sa buhok ng nobyo


"Ganun ba? Sayang naman. Inisip ko kasi na dalhin na din si Pio sa Disneyland dahil magiging busy na din ako sa mga susunod na buwan." Panghihinayang ni Vice pero ang totoo niyan ay sinakto talaga niya ang alis nila na may gig si Karylle


"Edi, sama mo nalang si Pio. Okay lang naman saakin basta alagaan mo lang ang anak mo." Napabalikwas ng upo si Vice sa sinabi ni Karylle na parang nabuhayan ng loob


"Talaga? Okay lang?" Hindi makapaniwalang tanong niya na may halong excitement


"Yup! Mukhang napapadalas ang pag bobonding niyong dalawa and I actually like it. Nakakaselos nga lang minsan kasi lagi akong hindi kasama." May halong tampo na saad ni Karylle kaya naman niyakap ulit siya ng mahigpit ni Vice at paulit-ulit na hinalikan


"Pag uwi namin ni Pio at pag maluwag na ulit sched nating dalawa, pag planuhan natin ang bakasyon nating tatlo. Somewhere in Europe para bongga." He promised kasabay ng paghalik ulit sa nobya bago ito niyakap ulit

"Pakabait kayong dalawa doon ah? Huwag puro kalokohan, Jose Marie. Bantayan mo maigi 'yang anak mo at iuwi mo 'yan nang kung ano siya bago kayo umalis." Banta sakanya ni Karylle kaya naman napangiti doon si Vice bago tumango ng paulit-ulit


"Promise po at pag uwi namin dito, may maganda kaming pasalubong sa'yo." Makabuluhang sabi ni Vice na ikinataka ni Karylle


"Ano naman 'yon?"


"Bilhan kita magandang panty." Biro niya dito at napahiyaw naman siya dahil agad siyang nakurot ng nobya


"Puro ka kalokohan!" Singhal nito sakanya sabay tayo sa kinauupuan


"Anong kalokohan doon? Cute kaya!" Depensa naman ni Vice na nakahawak sa hita na kinurot ng dalaga


"Bumili ka para sa sarili mo. T-back pa kung gusto mo." Mataray na sabi ni Karylle at tuluyan na iniwan si Vice na tawang-tawa sa sala














The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon