Chapter 8

3.6K 114 28
                                    

"Pio Anthony? Where did you get that?" Kahit nagtataka,hindi maiwasan ni Karylle ang mapangiti.Iniisip niya na bagay na bagay ang pangalan nito sa magiging anak nila



"Noong time na hindi maayos yung relasyon natin,nagdasal ako kay God.I prayed na kung tayo talaga para sa isa't isa,sana bigyan niya tayo ng reason para maayos pa ang lahat.The church that I went to that time was Padre Pio church.That's why noong sinabi saakin ni Ate Tina na magkakababy na tayo, nag promise ako sakanya na kapag lalaki ang baby,I will name it after him.Naniniwala ako na tinulungan niya ako magdasal para magkaayos ulit tayo." He answered with a sweet smile on his face


"Do you also want to know where did I get the Anthony?" Agad na tumango si Karylle na parang batang nag aantay ng susunod na kwento




"I got it from St.Anthony.Noong bata pa kasi ako madalas ko makita yung picture niya na may buhat na bata at sabi saakin ni Nanay na si Jesus pala 'yon noong bata pa siya.Mula noon, kapag nagdadasal ako,napapatingin ako sakanya kasi iniisip ko na maibubulong niya lahat kay Jesus."




Hanggang ngayon ay hanga pa din si Karylle sa katalinuhan ni Vice and she hopes that their son will be as intelligent as his father is.



"Hindi talaga nagpapakabog itong Dada mo, anak.Pangalan mo pa lang,ginawa na niyang unkabogable.Uwian na,may nanalo na." Biro niya kaya natawa din si Vice dito



"Ewan ko nalang kung hindi pa maging mabait ang anak mo niyan.Sa pari at santo pa nanggaling pangalan niya." Dagdag pa niya





"Magiging mabait 'yan.Siyempre,mana 'yan sa Dada niya." 



















Usapan ni Vice at Karylle na doon muna ang huli sa bahay ni Vice habang inaantay nila ang panganganak nito.Marami kasi silang kasama doon at kapag may trabaho si Vice,hindi ito mag-aalala masyado dahil nandoon ang kanyang mga kapatid at kanyang ina.

Wala pa ang baby pero puyatan na din sila. Papaano kasi,madalas ito sumipa at talagang malakas na tipong umuumbok ang paa nito sa tiyan ni Karylle kaya hindi tuloy makatulog ang dalaga.Si Vice naman ay hindi malalaman kung matutuwa ba sa pagiging maliksi ng anak o maawa sa nobya dahil nasasaktan talaga ito.


Inimbita ni Vice ang pamilya ni Karylle na mag lunch sa kanilang tahanan.Minsan lang kasi sila makumpleto kaya naisipan niyang magkainan.

Habang nagkakatuwaan ang tatlong matanda sa pag-uusap nila tungkol sakanilang apo,sakto na nakaramdam si Karylle ng paghihilab.Akala niya ay sumama lang ang tiyan niya pero habang tumatagal ay lalong sumasakit ito.


"Love,are you okay?" Napansin ni Vice ang pawisang mukha ni Karylle at humigpit ang kapit nito sa kamay niya


"M-medyo humihilab yung tiyan ko." Mahinang sagot niya habang nakasapo pa din siya sakanyang tiyan kaya napatigil ang lahat sa pagkain



"Hindi kaya nagle-labor ka na?" Lumapit si Nanay Rosario kasabay ng magulang ni Karylle



"Masakit ba likod mo,K?" Tanong ni Ms.Zsazsa at agad na tumango si Karylle



"V-Vice,lalabas na," nahihirapan na sabi ni Karylle at pawis na pawis na talaga



"Ang alin?" Wala sa sariling balik ni Vice kaya napasapo ang lahat sakanilang noo




"Kunin mo na yung kotse kasi manganganak na ako." Nagtitimping saad ni Karylle at mas lalo pang sumakit ang tiyan niya kaya napatili siya




The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon