Chapter 38

2.2K 121 45
                                    

Tanghaling tapat at naipit na naman si Karylle sa walang katapusang traffic sa Edsa. Siya lang mag-isa ngayon at siya din nagmamaneho ng kanyang kotse. Noong tumira siya sa ibang bansa, nasanay na din siya na siya lahat gagawa kaya hanggang pagbalik, nadala na niya ang nakasanayan.

Imbes na ma badtrip sa traffic, in-on niya ang bluetooth ng kanyang phone para magpatugtog. Shinuffle play na lang niya at ang first song ay kanyang ikinagulat. Intro pa lang ay kaagad na niya naisip ang taong may dahilan kung bakit nasa playlist niya ang kantang iyon pati na ang pangyayari noon.












Pagmulat ni Karylle ay wala na si Vice sa kanyang tabi. Nalungkot naman siya ng bahagya doon dahil umalis na ang nobyo na hindi pa sila nagkakaayos. Nagkaroon kasi sila ng tampuhan kagabi. Nawala kasi sa bilang ng araw si Vice kaya nalimutan niyang annivesary pala nila ni Karylle kahapon. Labis niya iyon ikinatampo dahil 2nd anniversary pa lang nila ay nalimutan na ng nobyo.

Ginawa niya ang kanyang morning rituals bago napag-isipan na bumaba na. Kakalabas pa lang niya ng kwarto nang magsimula mag play ang instruments. Nagtaka siya ano meron kaya bumaba na siya at laking gulat niya nang makita na naka set up ang sala na animo'y may live performance ng isang banda.


"Iniwan ka na ng eroplano
Okay lang,baby
Huwag kang magbago
Dito ka lang humimbing
Saaking piling, antukin"


Nalipat ang kanyang atensyon nang marinig ang boses na iyon at napalingon kay Vice na may hawak na mic. Halatang bagong gising din dahil gulo-gulo pa ang buhok nito.

"Kukupkupin nalang kita
Sorry wala ka nang magagawa
Mahalin mo nalang ako
Ng sobra sobra
Para patas naman tayo
Diba?"

Kinandatan siya ni Vice na kaagad niyang ikinapula at hindi maiwasan na kiligin. Kahit na may kasalanan ito, mukhang bawing-bawi na sa pahabol na surpresa.


"Sasalubungin natin ang kinabukasan
Ng walang takot at walang pangamba
Tadhana'y merong trip na makapangyarihan
Kung ayaw may dahilan
Kung gusto palaging merong paraan"


Buong kanta ay nakangiting pinapanood lang ni Karylle ang nobyo na hinaharana siya ngayon. Kakaiba ito at malayo sa mga ginagawang surpresa ni Vice pero hindi niya pa din maiwasan na kiligin dahil nag effort pa ito na kumanta at live pa ang music kahit na naka black v-neck shirt at maiksing boxer shorts lang ito ngayon. Ang pambahay look talaga ni Vice ang pinaka paborito niyang style para sa nobyo dahil talaga gwapong-gwapo siya kapag magulo ang buhok nito at singkit ang mata.


"Long as we stand as one
Ano man ang ating makabangga
Nothing will ever break us
Wala talaga
As in wala"


Sa lahat ng lyrics na kanyang narinig, ito ang pinaka tumatak sa isipan niya. Napangiti siya at napaluha ng bahagya dahil sobra niya ito nadama na. Sa dalawang taon nilang magkasama, hindi na din niya mabilang ilang beses na sila nagtalo at nagtampuhan ni Vice. Dalawang taon pa lang sila at ang dami na nilang nakaharap na pagsubok at alam niyang mas madami pa silang makakaharap lalo na kapag dumating na ang baby nila.

Pagkatapos ng kanta ay inabot ng Team Vice ang bouquet ng sunflowers kay Vice at lumapit na ang huli kay Karylle. Nakangiting inabot niya ito sa nobya at tinanngap din ito ni Karylle.

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon