Nagising si Karylle dahil sa ingay na meron sa labas. Nang imulat niya ang mata, wala na ang mag-ama sakanyang tabi at inisip niya na baka ito ang mga nag-iingay sa sala pero laking gulat niya na ang kanyang glam team ang nandoon.
"Nauna na mag-ama mo sa location at masyado ka daw sleeping beauty. May meeting din kasi ata si bakla kasama ang mayor kaya nauna na sila." Pagdadahilan ni Sidney at hindi maiwasan ni Karylle ang magtampo dahil naiwan na naman siya ng mag-ama
Naligo na siya agad dahil anong oras na at medyo malayo pa ang location na sinabi sakanya. Matapos niyang maligo ay inayusan na siya at doon nalang siya kumain ng sliced fruits para mabilisan na.
Habang inaayusan siya, hindi niya maiwasan mag taka dahil nga ang aga umalis nila Vice at punong-puno ng tao ang villa nila. Idagdag pa ang puting gown na suot niya ngayon pero gayunpaman, hindi niya maiwasan na magandahan dito lalo na't detalye dito ang pangarap niyang wedding gown.
Tinext naman niya si Vice kung bakit ganito set-up pero sagot lang nito ay magazine shoot pati ang glam team ay ayun ang sagot sakanya kaya naniwala nalang din siya.
Mula sa Balai Isabel, bumiyahe pa sila ng ilang oras at habang bumabiyahe, takang-taka talaga si Karylle sa nangyayari. Sobra naman kasi atang bongga ang shoot na ito at naka gown pa siya at sa isang simbahan pa ang location. Isa pa sa pinagtataka niya ay kanina, habang nasa villa, kaliwa't kanan ang mga cameraman at panay ang pagkuha sakanya.
Samantala, ang mag-ama naman ay kakarating lang din sa simbahan at kaagad na sinalubong ng mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga katrabaho. Kaagad siyang bumati dito at nakipag chikahan. Laking ginhawa naman kay Vice nang ma receive niya ang message ni Sid at sinabi na papunta na din sila.
Kaninang umaga ay nagawa nilang takasan si Karylle at agad na lumipat sa kabilang villa para doon naman sila mag shoot. Dumating din ang mga groomsmen ni Vice na nakipag kulitan pa sakanya at siyempre nakipag asaran pa. Sa sobrang dami niyang kaibigan na lalaki, si Pio nalang ang pinili niyang bestman niya. Noong una ay nagtatawanan silang lahat na nandoon, pati ang glam team niya ay sumali na din.
Ilang videos din ang shinoot ni Vice at ang pinaka magandang na capture dito ay nung titigan niya ang singsing nila ni Karylle habang nasa balcony siya at nakikita ang sunrise. Likod niya lang ang kuha doon at naka focus ang isang camera sa singsing na hawak niya pero lumingon siya sa gawi ng camera at sinabing She's worth it.
Nang time na para isuot niya ang kanyang coat, si Billy ang lumapit at nag suot sakanya pero si Pio ang nag ayos ng bow tie niya at matchy pa sila ng suot na dalawa.
"Vice, 10 minutes away from here nalang sila kaya pwesto na tayo." Balita sakanya ni Kate kaya tumango na siya at agad na pumwesto.
Si Nanay Rosario ang kasama niya sa pag lakad sa altar at habang naglalakad sila ay hindi maiwasan mapaluha ng ginang kaya naman si Vice ay kaagad na yumakap sa ina nang makarating sila sa dulo ng altar.
"Nanay naman eh! Walang iyakan 'di ba?" Parang batang nagtatampong sabi ni Vice at pinunasan ang luha ng ina
"Salamat, Tutoy at tinupad mo pa din ang pangarap namin sa'yo. Aalagaan mo si Karylle ha?" Naluluhang sabi nito at niyakap ulit si Vice "At saka, kapatid ni Pio ha?"
Kapwa silang natawa doon lalo na si Vice dahil simula day 1 pa lang ng pagpaplano nila ng kasal na ito, ay apo na agad ang bukambibig sakanya ng nanay at ng mga manugang.
BINABASA MO ANG
The Lucky One
FanfictionYou can thank your stars all you want but I'll always be THE LUCKY ONE