Chapter 27

2.7K 117 10
                                    

"May natutunan ka ba sa seminar?" Mapang asar na tanong ni Karylle nang makasakay sila sa kotse


"Oo, madami kaya! 'Tsaka, I don't need those naman na. Matagal ko na alam yung mga bagay na 'yun." Pagmamayabang naman ni Vice kaya napatingin sakanya si Karylle na para bang hindi naniniwala


"Para nga sa'yo 'yun kaya nga pinilit kita kasi alam kong kailangan mo 'yun." Biro ni Karylle sa asawa at agad naman naging seryoso ang mukha nito

"Jinu-judge mo na naman ako. Hindi talaga mag wo-workout itong pagiging partners natin kung ginaganyan mo ako." Pagdadrama ni Vice at sinalpak na ang earphones sa tenga pero hindi naman nakasaksak sa phone

"Huy, I was just kidding!" Depensa ni Karylle at pilit na hinihila ang braso ni Vice sa pagkaka cross arms nito

"Love, pansinin mo ako! Binibiro lang kita." Tawag pa ni Karylle dito pero dedma ang bakla at nakatingin lang sa may bintana na may blinds

Sa huli ay hindi pa din nagpatinag si Vice at patuloy lang sa pandededma sa asawa. Mga 2 months na naman daw itong walang chikahan at natawa pati ang driver at bodyguard na kasama sakanilang dalawa.

Mag iisang buwan na din ang nakakalipas mula nang ikasal silang dalawa. Dahil nga hindi sila nakapag seminar bago ikasal, hiniling ni Karylle kay Vice na gawin pa din nila ito dahil marami din sila matututunan mula dito lalo na't nag a-adjust palang sila sa buhay na may asawa.

Tuwing seminar ay kapansin-pansin ang pagkainip ni Vice sa bawat session. Pilit naman tinatago ni Karylle ang kanyang tawa dahil sa itsura nang asawa na pilit nilalabanan ang antok at pagkabagot.


Nang makarating sila sa bahay ay agad silang sinalubong ni Pio. Nagpabuhat kaagad ito kay Vice at inaya na maglaro pero agad din sila pinigilan ni Karylle

"Pio, later na kayo mag play ni Dada mo. We bought some foods kaya let's eat first."

Tumungo na sila sa dining at doon kumain ng meryenda. Tahimik pa din si Vice at tanging si Pio lang kinakausap nito. Hindi naman alam ni Karylle kung seryoso ba ito nagtatampo o echos lang.

"Mahal, pansi—" Susuyuin na sana ulit ni Karylle si Vice pero agad siyang pinutol nito

"I bought a new game for our ps4. Try natin ngayon." Sabi ni Vice bago inubos ang pagkain at saka inaya si Pio

Nauna na si Vice umakyat dahil ise-set up pa niya ang console at magpapalit muna din siya ng damit. Naiwan naman si Karylle at Pio na abala pa din sa kinakain na turon.

"Galit ba saakin si Dada?" Tanong ni Karylle sa anak at mukhang hindi siya naintindihan nito dahil sarap na sarap pa din sa kinakain

"Baby, may tinatanong si Mama." Pagtawag niya ulit sa anak pero tapos na ito kumain. Akala ni Karylle ay iiwan din siya nito pero sumagot pa si Pio bago lumabas ng kusina

"Nidrama lang siya, Mama. Lab ka nun." Tugon nito at patakbong umakyat sa hagdanan kahit na maliliit pa din ang hakbang nito




Tutok na tutok ang mag-ama sa laro nang pumasok si Karylle sa kwarto. Si Vice lang ang naglalaro habang si Pio ay nakasiksik sa pagitan ng hita ni Vice at nanunood.

"Love, Pio, kakain na." Sabi niya pero parang si Pio lang ay nakarinig at dali-dali itong lumabas ng kwarto dahil nagugutom na din ito.

Samantala, si Vice ay naglalaro pa din at nakakunot pa ang noo, halatang seryoso sa ginagawa. Lumapit si Karylle at umupo sa tabi ng asawa para panoorin din ang nilalaro nito.

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon