Chapter 42

2.8K 138 70
                                    

"I forgot this." Saad ni Vice before he closed the gap between them











Halos hindi makagalaw si Karylle na natuod sa kanyang kinatatayuan dahil sa hindi inaasahang aksyon ni Vice. Ngayon lang ulit sila nagkalapit ng sobra na tipong amoy na amoy niya ang pabango nito. She felt home with his smell at gusto niyang yakapin iyon pero alam niyang iba na ngayon.

Lalo siyang nagulat nang mas lumapit pa ang mukha ni Vice na nakatingin lang sa kanya. Nagtataka man, she just shut her eyes at hinahanda ang sarili sa kung ano man ang pwede mangyari.
















"Kanina ko pa napapansin itong dumi sa ulo mo."



Napadilat si Karylle nang ma realize ang nangyayari at nahihiyang tumingin sa duming nakuha ni Vice sa kanyang buhok.


"A-Ahh... hehehe! Halatang wala pang ligo." Nahihiya niyang pagbawi para matakpan ang pagiging assumera niya


"Yeah, I think you need a cold bath. Namumula ka eh." Pang-aasar ni Vice sa kanya with a smirk on his face kaya mas lalong nahiya si Karylle at hindi nakapagsalita


"Sige, alis na ako." Paalam ulit ni Vice at hindi na inantay na makabalik sa huwisyo si Karylle






"Lamunin mo na ako, lupa." Mariin na nakapikit niyang sabi at sumandal sa pintuan


"So stupid, Karylle. You're so stupid!" Sigaw niya pa sa sarili at paulit-ulit na pinalo ang ulo bago pumasok sa bahay ng tuluyan





Napangiti at napailing na lang si Vice habang pinapanood ang reaksyon ni Karylle at saka niya pinaandar ang sasakyan nang makapasok na din ito sa loob.

As he was driving back to Emma's apartment, nakangiti pa din siya habang inaalala ang mga nangyari ngayong araw. Masaya siya dahil walang naging problema sa kanila ng mga anak and on the same side, masaya din siya dahil kahit papaano ay nagiging maayos na din sila ni Karylle.


Malapit na siya sa apartment nang bigla siya napatigil at napatingin sa labas ng bintana. May naalala siya sa lugar na iyon kaya dali-dali siyang lumabas sa sasakyan.













Karylle just finished doing her night rituals at tinabihan na niya ang mga anak sa kama. Tinignan niya ang mga ito at inalala ang pinaggagawa ng mga anak kasama si Vice. She never saw them this happy before. Makulit ang mga ito pero hindi niya alam na may ikukulit pa pala at tanging si Vice lang ang nagpalabas nun sa mga anak. Hindi naman na bago iyon dahil ganoon din ang tatlo nilang anak na kasundong-kasundo ni Vice sa lahat ng bagay.

Hindi niya maiwasan na magtampo dahil kamukha na nga ni Vice ang lima, pati mga ugali ay kuha ng mga ito sa kanilang ama. Daddy's boys na daddy's boys ika nga nila. Tanging nakuha lang ata ng mga anak sa kanya ay ang kulot na buhok at ang kambal at si Philo lang ang nakamana nun.

She gave them goodnight kisses at hinanda na ang sarili para matulog nang biglang may nag doorbell. Napaisip siya kung sino iyon dahil dis oras na ng gabi at wala naman nagsabi sa kanya na mag drop by sa kanyang lugar ng ganitong oras.

Bumaba siya para tignan iyon. Sumilip muna siya sa peephole para siguraduhin muna kung sino ito. Naka itim na hoodie at nakamask. Nakatalikod din ito sa pintuan kaya kinabahan siya dahil uso pa naman sa kanilang lugar ngayon ang nakawan. Kinuha niya ang baseball bat na kanyang tinatago in case sa sitwasyon na kagaya nito.

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon