Chapter 34

2.2K 118 59
                                    

"Hey, okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Vice kay Bea while they are still naked and their bodies are covered with comforter.

Walang nakuhang sagot si Vice mula sa dalaga na mas lalo niya ikinabahala. Kanina pa sila tapos gawin ang bagay na iyon pero hindi pa din ito nagsasalita. Inisip niya na baka pagod lang ito from shoot at sakanilang ginawa. Hinalikan nalang niya ang noo nito at hinigpitan ang pagkakayakap. Patulog na din sana siya nang maramdaman niya ang mainit na likido sakanyang braso. Napatingin siya kay Bea at doon nga ito nagmula.


"Mine, bakit ka umiiyak? N-Nasaktan ba kita?" Napa upo na si Vice sa kama and cupped her face. Kitang-kita sa mga mata nito ang pag-aalala para sa dalaga.


"Mali 'to, Vice. Sobrang mali." Umiiyak niyang sabi at paulit-ulit na umiiling

Nagkaroon naman na agad si Vice ng idea sa kung ano ang pinupunto nito at alam niyang nakokosensya ito sa kanilang ginagawa.


"Walang mali sa ginagawa natin, mine. We've been doing this for more than a year now. Masaya naman tayo sa ginagawa natin pero bakit parang nagsisisi ka na ngayon?" Pagpipilit ni Vice na i-tama ang sitwasyon nila

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sa'yo na kasal ka?!" Hindi mapigilan ni Bea ang taasan ito ng boses dahil paulit-ulit na niya ito sinasabi kay Vice pero ayaw lang naman nito makinig

"Eh ano naman ngayon?! Wala na nga kami 'di ba? Iniwan na niya kami, Bea! Simula nang lumabas siya sa bahay na ito, inalis ko na din siya buhay ko, sa buhay namin ng mga bata." Pag-didiin ni Vice na namumula na ang mata dahil sa pagpipigil ng luha


"Pero maling-mali itong ginagawa natin, Vice. Para akong naninira ng pamilya. Kahit kaninong tao mo itanong ang sitwasyon natin, lahat sila magiging tingin saakin ay kabit. Ilang beses na may nangyayari saatin at paano kung mabuntis mo ako, Vice? Madali na panagutan mo ako pero anong mukha ang ihaharap natin sa pamilya natin? Sa pamilya ni Karylle?"


Para naman nagising si Vice sa katotohanan dahil sa sinabi ni Bea at napayuko nalang siya kasabay ng pag-iyak. Simula nang maghiwalay sila ni Karylle, wala nang nangyaring tama sa buhay niya. Sa loob ng tatlong taon, tanging ang makaganti lang ang iniisip niya. Gusto niya iparanas kay Karylle lahat ng sakit na naramdaman niya pero hindi niya alam, nakakasakit na din pala siya ng ibang tao, lalong-lalo na si Bea.


"Lagi ako nandito para sa'yo at sa mga anak mo pero kahit anong gawin ko, hinding-hindi ko mapapalitan si Karylle sa buhay niyo. Hindi lang ako o si Karylle ang masasaktan mo kung gagawin pa din natin ito. Pag-isipan mo lahat, Vice." Pinunasan niya ang mga luha ni Vice at saka hinalikan ito ng madiin. Kaagad naman tumugon si Vice at mas nilaliman pa ang halik na para bang humihingi ng sorry.


Mabilis nangyari ang lahat at nakita nalang niya na tapos na magbihis ang dalaga. Bago ito lumabas sa kwarto, binigyan siya nito ng makabuluhang tingin and mouthed "I love you" to him.

Pagkasara ng pintuan, napahiga ulit si Vice sa kama at napahilamos sakanyang mukha. Inalala niya lahat na nangyari sakanya pagkatapos nila maghiwalay ni Karylle at hindi niya maiwasan na masaktan ulit.










Three years ago....




"Karylle, kausapin mo nga ako. Ano yung sinabi mo kanina?" Pagkumpronta ni Vice sa asawa nang hatakin niya ito sa theater room nila dahil sound proof ito at hindi maririnig ng mga anak ang away nila


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon