Hi!! Alam kong madaming umaasa and naghihintay na makapag ud ulit ako pero sobrang hirap talaga :( Hindi ko alam ano nangyayari pero wala na kasi talagang inspiration. Unti-unti na akong bumibitaw sa vk hindi dahil walang ganap or moments pero may sariling buhay din ako and stuffs na kailangan i-prioritize. May ilan sa inyo na nakakausap ko and nasasabi ko na sobrang kinakain na ako ng studies. Hindi naman ako masipag mag-aral pero siyempre kailangan natin gawin para sa future.
Siguro ito na din masasabi mo na may mga bagay kang kailangan i-let go dahil nag mamature ka na. Don't get me wrong dahil masaya ako sa naging result nitong story na sinulat ko lang randomly. Natutuwa ako kasi somehow na attach 'yung iba sa inyo sa character nila lalo na kay Pio. Masaya ako na may napapasaya ako pero mahirap kasi talaga ipilit 'yung isang bagay kapag hindi mo na alam gagawin mo. 😞
Nasabi ko na before na malapit na ito matapos at sana...sana matupad ko 'yung pangakong 'yun. Ang hirap lang talaga eh. Ayoko naman na magsulat lang ng magsulat tapos hindi ko naman nagagawa or nailalagay 'yung alam kong magugustuhan niyo. After all, mas mahalaga 'yung gusto niyo kasi I owe it all to you guys. Hindi ito aabot ng ilang chapters kung hindi dahil sa inyo.
Isa pa, gusto ko mag sorry kasi feel ko sobrang dami kong pagkukulang. I'm a closet fan. Inaamin ko 'yun. Not because kinakahiya ko sila pero dahil na din sa sarili kong buhay. Hindi ko pinagmamayabang 'yung status ko or kakahayaan ko pero mahirap siguro maging isang fan kung madaming expectations sa'yo.
Si Vice, sobrang daming possibilities and ways para maging close kami at lagi ko siya makita pero umiiwas ako dahil 'yung chances na magkikita kami eh labas na ng trabaho niya 'yun. It's his own private life at ayoko dalhin ang pag fafangirl ko dahil I'm respecting him.
Sa school, konti lang ang nakakaalam sa pag fafangirl ko dahil inaamin ko na medyo ibang mundo ang ginagalawan namin doon. Kilala naman nila sila Vice and updated sila pero ayoko lang sabihin or i-share dahil natatakot ako na husgahan nila si Vice at K. Ayoko makarinig ng questions na "bakit sila?" "Anong meron sa kanila?" "Wala ka naman mapapala diyan" and other things.
Don't get me wrong, hindi sila judgemental and I was the one who chose to keep it. I don't want things complicated kaya as much as possible, I'm keeping my mouth shut.
Ang dami ko pa gusto sabihin and i-explain pero sorry lang naman talaga gusto ko sabihin sa inyo. Sorry dahil feeling ko ang dami ko talagang pagkukulang. Hindi ko din alam kung ipagpapatuloy ko pa 'to pero sana talaga matuloy ko pa dahil ayoko kayo iwan. Ayoko ito iwan.
Maaring 'yung iba sa inyo mainis sa mga sinasabi kong ito at maaring talikuran na din niyo ito pero ano man ang decision niyo, masakit din para sa akin, pero I'll respect it. Kagaya nga ng sinabi ko, kayo ang dahilan kung bakit ako nakasulat ng story na ganito.
Maybe, soon enough, I'll find an inspiration to write again. I promise, it wouldn't take that long at hindi ko ito tatapusin na hanggang chapter 44 lang. Sinumulan ko ng prologue and I'll end it with an epilogue.
Lots of love to you, guys!
BINABASA MO ANG
The Lucky One
FanfictionYou can thank your stars all you want but I'll always be THE LUCKY ONE