Chapter 29

2.7K 106 21
                                    

Sunday at kakauwi lang ng pamilyang Viceral mula sa simbahan. Abala ngayon si Karylle sa pagluluto dahil nakasanayan na nila ito, mula nang ikasal sila, na tuwing Sunday ay siya talaga magluluto. Si Pio naman ay naglalaro mag-isa sa sala habang si Vice naman ay may pinagkakaabalahan din.


"Watcha doing, Dada?" Curious na tanong ni Pio sa ama dahil kanina pa ito may kinakalikot sa may likod ng sofa

"Shhh. Huwag kang maingay." Mahinang pag suway niya dito at automatic na lumapit si Pio sa gawi ni Vice dahil mukhang may sikreto na naman silang mag-ama

"I'm going to prank your Mama kaya quite ka lang para hindi tayo mabuko." Pagsali ni Vice sa anak na napangiti ng malaki at mukhang makikiisa sa plano ni Vice


Hindi nagtagal ay natapos na din niya ang pagkabit ng camera sa may tagong parte sa sofa. Sakto naman dahil nakisali na din si Karylle sakanila doon at patay malisya naman silang mag-ama at kunwaring abala sakanilang paglalaro.

"Mahal," Pagtawag ni Vice at tumingin kay Karylle na nasa likod niya dahil nakaupo ito sa sofa at siya naman ay sa lapag

"Yes?" Malambing na tugon nito at tumingin din sa asawa na para bang inaabangan ang sasabihin nito

"Pio, go to your room first. Doon ka muna mag play, anak." Kunwaring seryoso na saad ni Vice

Dahil nga magkasabwat silang mag-ama, nagets na ni Pio ang sinabi ni Vice kaya umakyat na ito at bago umakyat, kumindat siya ng palihim kay Vice kaya napangiti ang huli at kumindat din. Si Karylle naman ay kinabahan lalo na't mukhang seryoso ang pag-uusapan nilang dalawa.

"I guess it's something serious dahil pinaakyat mo pa si Pio." Kinukutuban na saad ni Karylle at pilit naman pinipigilan ni Vice ang matawa sa itsura ng asawa ngayon

"Ilang araw ko pinag-isipan at pinaghandaan ito. Hindi ko alam paano sasabihin sa'yo 'to. Nakailang practice na ako pero alam kong kahit ano gawin ko, masasaktan talaga kita." Panimula ni Vice at pang best actor ang pag da-drama

"Tungkol saan ba saaabihin mo?" Mahinahon na tanong ni Karylle dahil wala pa siyang ideya sa sasabihin ni Vice

"Alam kong nag promise ako na walang secrets sa isa't isa. Sinubukan ko itago sa'yo pero alam ko kasing mas lalo kita masasaktan kapag nilihim ko lahat. Wala rin naman na ako magawa dahil nangyari na eh." Kunwaring naiiyak na si Vice at hinawakan ang kamay ng asawa. Dinikit niya ito sakanyang pisnge at para bang humihingi ng tawad.

"Ano ba nangyayari sa'yo? Tell it to me now." Nababahala na talaga si Karylle at kinakabahan sa susunod na sasabihin ni Vice. Samantala, ang huli naman ay pinipigilan na ang matawa dahil mukhang successful ang prank niya

"Mahal na mahal kita, Karylle. I'm really sorry. I'm really really sorry. Hindi ko talaga ginusto ang nangyari." Pagpapatuloy pa din ni Vice at lumuhod na sa harap ni Karylle

"Vice, can you please tell it to me now?! You keep on saying sorry pero hindi mo naman sinasabi kung ano nagawa mo!" Singhal ni Karylle na mukhang nawalan na ng pasensya

"Hindi ko kasi alam papaano." Balik naman ni Vice na patuloy sakanyang acting

"Anong hindi mo alam?!"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo na nakabuntis ako."

Natahimik ang paligid nang sabihin iyon ni Vice at si Karylle naman ay nanlumo at binawi ang kanyang kamay na hawak kanina ni Vice. Agad din tumulo ang luha nito at lumapit si Vice para yakapin ang asawa pero pilit siyang nilalayo nito.

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon