Isang oras na simula nang lumabas ang kanilang pangalawang baby. Nauna nang pumunta sa nursery ang pamilya nila at naiwan si Vice at Pio sa kwarto ni Karylle. Sobrang nagpapasalamat si Vice sa Diyos dahil hindi Niya pinabayaan ang kanyang mag-ina. Halos 10 hours nag labor ang asawa niya at nahirapan ilabas ang baby. Plano na din ipa-caesarean ng doctor but Karylle insisted at sinabing push through sila sa normal delivery.
Buong magdamag ay gising din si Vice at sinamahan si Karylle maghirap. Nang nagbabad si Karylle sa hot water, sumali din si Vice at tinutulungan ang asawa na maalis ang sakit kahit papaano. Kahit pagod na, sinamahan pa din siya nito maglakad sa hallway ng ospital para bumaba ang baby. Dumating din ang pamilya nila at sinabihan na sila muna bahala kay Karylle para makaiglip si Vice pero wala pa man ding 10 minutes, ginising na siya nang mga ito at sinabing lalabas na talaga ang baby.
Hanggang sa loob ay sinamahan ni Vice si Karylle. Kitang-kita at rinig na rinig niya kung paano nahirapan ang asawa at talagang hindi napigilan na hampasin siya sa inis dahil nga kasalanan daw niya. Natawa naman ang ibang doctor at nurse doon dahil nagulat sila sa ganoong side ni Karylle. Si Vice naman ay nanahimik nalang at pinapakalma si Karylle. Buti nalang at pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na nga ang baby.
Nag-asikaso pa siya saglit ng papers bago sinabayan si Pio na matulog at ngayon ay kakagising lang nilang mag-ama at mukhang nabawi naman niya ang pagod. Saktong pagkabangon nila ay bumalik na din ang kanilang pamilya sa kwarto.
"Ang pogi ng apo ko! Kamukha mo na naman, Vice!" Kinikilig na sabi ni Ms. Zsazsa at pinipigilan tumili dahil baka magising si Karylle
Napangiti naman si Vice doon at hindi mapigilang ma excite lalo dahil maski siya ay hindi pa nakikita ang pangalawang anak.
"Hindi mo pa nakikita ang baby 'di ba? Puntahan niyo muna ni Pio. Kami muna bahala kay Karylle." Sabi naman ng papa ni Karylle kaya gumayak na ang mag-ama papunta sa nursery
At dahil kilala naman sila ng mga nurse, agad na binuhat ang baby at pinakita sakanila. For the third time in his life, na in love na naman si Vice. Kahit na pangalawa na niya ito, feeling niya ay first time pa din ang lahat and he can't help it but to cry because of happiness.
"Why are you crying, Dada?" Inosenteng tanong sakanya ni Pio at pinunasan ang kanyang luha
"Masaya lang si Dada kasi may bago na naman akong aasarin." Natatawang saad ni Vice at pinunasan din ang sariling luha
"Pero bakit junjun pa din? Akala ko baby girl na." Medyo disappointed pa din na sabi ni Pio dahil nag expect talaga siya ng babaeng kapatid
"Okay lang naman kahit boy pa din. Masaya nga 'yun kasi tatlo na tayong maglalaro 'di ba? At saka, dapat thankful tayo kasi safe sila ni Mama." Tugon ni Vice at sinusubukan pagaanin ang loob ng anak
"Hindi ba natin pwede palitan? Hiram lang natin yung isang baby girl doon Dada tapos balik din natin kapag big girl na siya." Pilit pa din ni Pio at tinuro pa ang isang baby. Hindi naman mapigilan ni Vice matawa at macutan sa panganay niya
"Magagalit magulang nila kapag hiniram natin siya kasi love nila baby nila. Ganun din naman si Dada kapag may humiram o kumuha sainyo ng kapatid mo kaya dapat bantayan mo siya ha? Hindi papayag si Dada na malalayo kayo saakin." Hinalikan niya ang pisnge ng anak at ngumiti dito na parabang sinasabi na okay na din ang baby boy
"Tanong natin kung pwede pumasok sa loob."
Nakikita naman sila sa glass kaya sumenyas si Vice kung pwede sila pumasok sa loob at pumayag naman ang nurse. Pinagsuot sila ng scrub at mask at pinapasok sa may bungad ng nursery. Buhat niya pa din si Pio kaya pinabuhat nalang niya sa nurse ang baby.
BINABASA MO ANG
The Lucky One
FanfictionYou can thank your stars all you want but I'll always be THE LUCKY ONE