Chapter 19

3.4K 133 29
                                    

Kasalukuyan na hinahanda ni Archie ang mga gagamitin na make-up para kay Vice nang bigla itong naluha na ikinagulat nilang lahat na nandoon.

"Meme, huy, ano nangyari sa'yo?" Gulat na tanong ni Archie sakanya at binitawan saglit ang make-up bag

"Bati naman na kayo ni Mama Kurbs 'di ba? Nag post ka pa nga ng picture niyo kahapon." Saad naman ni Buern at tinigil ang pagkakabit ng extensions ni Vice

Patuloy lang sa pagluha si Vice kaya lalong nagtaka ang Team Vice sa nangyayari sakanilang amo at kaibigan. Sakto naman na bumukas ang pintuan at dumating si Karylle at Pio.

"O, babes, ano nangyari?" Nag aalala din tanong ni Karylle habang buhat ang anak at mas lalo silang kinabahan dahil lumakas ang ngawa ni Vice


"Ano ba nangyayari sa— ah! Alam ko na kinakaiyak nito." Hindi mapigilan ni Karylle ang matawa nang mapagtanto ang dahilan ng kinakaiyak ni Vice


"Ano ba nangyayari diyan sa jowa mo, Mama Kurbs? Akala mo namatayan ng daga." Tila na wi-weirduhan na sabi ni Aaron at pinapanood lang si Vice na iyak ng iyak


"Paano kasi, itong magaling at mabait niyang anak, dinurog lahat ng mamahaling make-up niya. Yung mga mac na binili niyo sa New York, ayon ginawang abo, pati yung anim na Chanel na lipstick niya, hindi pinalagpas... ginawang crayons." Kwento ni Karylle kaya mas lalong lumuha si Vice habang si Pio ay natawa naman

"Masaklap nga 'yan, Meme. Parang hindi ko kayang makita 'yon." Tila naiiyak na din na sabi ni Archie pero hinampas lang siya ng mga kasama

"Huwag mo na ipaalala. Gusto ko itapon 'yang batang 'yan kapag naalala ko eh." Pinunasan ni Vice ang kanyang mga luha bago bumaling sa anak at binigyan ito ng masamang tingin "Tawa ka pa diyan. Pasalamat ka talaga anak kita kasi kung hindi, naku! Pio Anthony, sinasabi ko talaga sa'yo. Gagawin kitang kwek-kwek!"

Nagpababa naman si Pio sa kandungan ni Vice and he wrapped his little arms around Vice's neck. Sumiksik siya sa leeg ng ama at paulit-ulit na binigyan ito ng halik.

"Sowy, Dada. Alablab ka ni Iyo!" Nanlalambing na sabi nito at binigyan pa ng maamo na itsura si Vice

"Diyan ka magaling, sa pagpapacute mo! Mana ka talaga sa nanay mo."


"Bakit naman ako nasama diyan?" Kunot-noong tanong ni Karylle


"Paano, konting lambing niyo lang dalawa, bibigay na ako. Tapos kapag ako, kailangan suyuin talaga. Kailangan may suhol para pansinin na ulit ako. Unfair kaya!" Reklamo ni Vice na ikinatawa ng malakas ni Karylle pati na ng Team Vice

"Tignan niyo, ako na nga nawalan ng mamahaling gamit, tawa lang kayo diyan. Nakakatampo na talaga. Ayaw ko na." Parang batang natalo sa laro ang itsura ni Vice ngayon kaya naman hindi na natiis ni Karylle ang nobyo at nilapitan na din ito

"Baby, say sorry na to Dada. Lambingin mo na, dali! Humahaba na naman ang nguso eh!"

"Hihihi! Pawang (parang) Vicekee!" Pilyong sabi nito at sabay takip ng bibig pagkatapos. Tawa lang naman ng tawa ang Team Vice sa likod


"Doon na nga kayong mag-ina! Wala na naman kayong magawa!" Pagtataboy niya sa dalawa pero yumakap lang ng mahigpit sakanya si Pio at si Karylle naman ay niyakap din siya sa gilid

"Kapag kiniss ka namin, galit ka pa din?" Paawa effect ni Karylle pero ayaw magpatinag ni Vice


"Hindi mo ako madadaan sa kakaganyan mo, Ana Karylle. Si Pio nalang halikan mo o 'di kaya si Vicekee nalang tutal kamukha ko naman 'di ba?" Nagtatampo pa din ito kaya naman kahit na nandoon si Pio at ang Team Vice, hindi na nagdalawang isip si Karylle at sinugod na ang labi ni Vice na ikinagulat ng huli pero agad din ito tumugon.


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon