"Dada!" Salubong ni Pio sa ama and open his arms widely para mayakap ito
"Hey,bud.I missed you!" Binuhat niya ang anak at pinanggigilan ng halik
Ilang araw din niya hindi nakita ang anak gawa ng naging abala siya sa trabaho at hindi pa din sila nagkakausap ni Karylle simula nang pagtatalo nila ng gabing iyon. Ngayon lang ulit niya nakasama ang anak dahil dinala ito ni Karylle sa studio at siya kaagad ang hinanap pagkadating.
"Where do you want to go? Do you want to buy toys? How about clothes and shoes?" Tanong niya dito bago sila naglakad palabas ng building
Umiling lang ito at humalik sa ama "House Dada.Iyo wants to pway!" Excited na sambit nito kaya napangiti si Vice
"Okay! Pio's wish is Dada's command!" Malakas na sabi ni Vice at pinanggigilan ulit ng halik ang anak
Pasakay na silang dalawa sa kotse nang nakita nila na kakalabas lang din ni Karylle nang building at hinihintay ang sundo.
"Paalam ka na muna kay Mama." Bulong niya bago binaba ang anak at tumakbo ito papunta kay Karylle
"Bye,Mama! Alablab ka Iyo!" Sweet na sambit nito at yumakap sa legs ni Karylle
"Huwag masyado maglilikot ha? I love you, too." Lumuhod siya para makapantay ang anak at binigyan ito ng halik
"Karylle,saakin muna si Pio matulog ngayon. Saturday naman at saka para makabond ko naman 'to." Casual na sabi ni Vice at lumapit, nilagay ang kamay sa ulo ni Pio
"Sana sinabi mo saakin ng mas maaga. Manonood kami ng sine ni Pio ngayon."
"Bakit hindi mo siya nilabas kagabi? Ilang araw ko hindi nakasama anak ko tapos pagdadamot mo saakin ngayon." Inis na balik ni Vice pero hindi nagpapakita ng kahit anong bahid ng galit sa mukha para masiguro na walang makakapansin sakanila
"Kung pinagdadamot ko siya sa'yo,hindi dapat ako papayag na isama mo siya ngayon. Ang akin lang, dapat mas sinabi mo saakin ng mas maaga dahil napangakuan ko na si Pio na ipapasyal ko siya mamayang gabi."
Narinig naman ng Team Vice ang bangayan ng dalawa kaya napatingin sila sa paligid at buti naman walang nakakapansin kaya hindi na sila nagdalawang isip na awatin ang dalawa bago pa may makarinig.
"Meme, naririnig kayo ni Pio." Bulong ni Buern kaya napatingin ang dalawa sakanilang anak na pabalik-balik lang ang tingin sakanila
"Uwi na muna kami. Kung gusto mo pumunta sa bahay, pumunta ka." Malamig na sabi ni Vice bago inalalayan ang anak papasok sa kotse
Habang nasa kotse sila, nakaramdam ng antok si Pio kaya hinilig ni Vice ang ulo ng anak sakanyang dibdib. Tinapik niya din ng mahina ang hita nito para makatulog agad.
"Suggestion lang,meme." Biglang salita ni Archie nang makita na tulog na ang inaanak "Kayong tatlo nalang kaya lumabas mamaya? Ilang araw na kayo nagkakaganyan ni Mama Kurbs at naapektuhan na din 'yang anak niyo. Nagkakaisip na din siya kaya hindi maiwasan na maging malungkot 'yan.Tutal, pareho kayong dalawa ang gusto makipag bond kay Pio, bakit hindi niyo nalang siya ipasyal na kasama kayong pareho? Mas magugustuhan niya 'yon,for sure."
Walang imik at nakatingin lang si Vice sa anak. May point nga naman an kaibigan niya. Ayaw niya sa lahat ang naapektuhan si Pio tuwing may hindi sila pagkakaintindihan ni Karylle. Kung dati ay nalulusot nila na hindi magpansinan, ngayon ay nagiging aware na si Pio sa nangyayari kaya pihadong nakakaramdam na din ito.
BINABASA MO ANG
The Lucky One
FanfictionYou can thank your stars all you want but I'll always be THE LUCKY ONE