Chapter 31

2.8K 116 14
                                    

Abala si Vice sa pag-iimpake ng kanyang damit at pinipili lang kung ano ang dadalhin niya dahil dalawang araw lang naman sila doon. Request kasi ni Pio na mag beach daw silang tatlo. Simula kasi nung maranasan nito maligo sa beach noong nag Greece sila, nawili na si Pio at gusto ulit ma try.

Patapos na siya sa pag-iimpake at isasara na ang bag nang dumaan si Pio sa harap niya. Nagmamadali ito at nakahawak sa pwetan.

"Ang baboy, Anthony!" Reklamo ni Vice dahil saktong sa harap pa niya nautot si Pio


"Ni pupu na Pio eh!" Nahihirapang balik nito dahil nakababa ang takip ng toilet at nahihirapan siya itaas iyon

"Kasi naman ih! Niwala na potty ko!" Banas na sambit nito at sinisikap pa din mataas ang takip

Imbes na tulungan, natawa nalang si Vice sa sitwasyon ni Pio dahil hirap na hirap na ito pigilan ang tawag ng kalikasan at hirap na hirap din itaas ang takip ng toilet nila. Palihim niyang vinideohan ito habang mahinang tumatawa.

"Dada naman eh! Ni help mo na Pio, please?" Pasukong pakiusap nito dahil kanina pa pala niya napapansin ang pagtawa sakanya ni Vice


"Kawawa naman ang anak ko. Taeng-tae na hahahaha!"

Inangat na niya ang toilet lid at binuhat na din si Pio para makaupo na ito doon. Hindi pa man din umiinit sa pagkakaupo ay agad na naamoy ni Vice ang kanina pa pinipigilan nito ilabas.

"Nasaan ba ang potty mo at hindi ka doon mag milagro?" Tanong ni Vice habang nakatakip sa ilong

"Nitapon na ni mama ih! Sabi niya big boy na daw Pio." Nakapout na sambit nito kasabay ng pag-ire

"Ang baho niyan, Pio. Ilang araw mo ba hindi nilabas 'yan?" Tinakpan na ni Vice ang ilong ng damit dahil hindi naman niya magawang iwan si Pio mag-isa sa banyo. Nagsisimula palang kasi ito mag sanay na wala ng diaper at potty

Matapos ang ilang minuto ay tapos na din si Pio. Siya na din mismo naghugas sakanyang sarili habang nakaalalay sakanya si Vice para hindi siya matumba. Gusto kasi nila mag-asawa na maging independent si Pio sa sarili at hindi masanay na laging tutulungan.

"Dada, sabi ni Mama niluto mo daw po siya fried rice." Sabi ni Pio sa inutos sakanya ng ina kanina


"Ayan talagang nanay mo, ang takaw-takaw." Biro ni Vice pero hindi kay Pio

"Hala! Nitawag mo matakaw Mama! Sumbong kita!" Pananakot ni Pio at sumenyas pa sa ama na nanakot

"Huy, joke lang 'yun! Huwag mo sasabihin sa Mama mo 'yun da— hoy, bumalik ka dito!" Agad na hinabol ni Vice ang anak na mabilis na nakalabas ng kanilang kwarto at nakatakas sakanya


"Mama! Mama!" Pagtawag ni Pio sa ina habang nagmamadali siyang bumababa sa hagdan


"Bumalik ka ditong itlog ka!" Kahit na hinihingal na, sinusubukan pa din ni Vice mahabol ang anak pero dahil nga hyper at maliksi, agad itong nakapunta kay Karylle


"What happened to you? Look at your face o, it's turning into red again." Rinig ni Vice na sabi ni Karylle habang pinupunasan ang pawis ni Pio

The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon