Chapter 15

3.1K 97 8
                                    

"Dada,whatcha dowin'?" Bibong tanong ni Pio pagkapasok niya ng kwarto

"Aray ko,anak! Yung abs ko!" Namimilipit na reklamo ni Vice dahil biglang inupuan ni Pio ang tiyan niya


"Abs? Baka tabs." Pag singit ni Karylle na kakalabas lang ng banyo at bagong ligo


"Nakakainsulto ka,Ana Karylle ah? Porket nagkakaabs ka na ulit." Parang batang inaapi na sabi ni Vice


"Kung buntisin kaya kita ulit para mapalitan ng tahi 'ya— babes! Yeng extensyens ke!" Pilit tinatanggal ni Vice ang kamay ng nobya na humihila sakanyang extensions


"Mama,wads (what's) buchichin (buntisin)?" Inosenteng tanong ni Pio at kinalabit pa ang ina


"Buntisin means lalagyan ko ng baby yung tummy ni mam—jeske! Ana Karylle! Maawa ka huhuhuhu!" Naiiyak na si Vice sa sakita dahil kung kanina ay sa extensions lang niya,ngayon ay nalipat ang kamay nito sa patilya niya


"Baby,help Dada huhuhu! Ouch!" Tumingin si Vice sa anak na parang nag hihingi ng tulong at agad na yumakap si Pio sa bewang ni Karylle


"Mama,wawa Dada.Tap (Stop) na." Pag awat niya sa ina at na may kasamang paawa effect na walang ibang nagturo kung hindi ang magaling niyang ama


"Nagkampihan na naman kayong dalawa." Patulak niyang binitawan ang patilya ni Vice


"Woohhh! Sakit nun!" Sambit ni Vice at hinawakan ang gilid ng pisnge


"Maligo ka na nga doon! Baho mo na!" Pilit siyang tinutulak ni Karylle paalis sa kama pero sadyang nagmamatigas si Vice


"Mabaho ba ako,anak?" Pagtanong ni Vice kay Pio at tinaas ang kili-kili


"No! Banow Dada!" Sagot nito nang maamoy ang kili-kili ng ama "Hihihi! Colow (color) bwack (black)!" Agad na bawi nito na ikinatawa din ni Karylle


"Bastos na bata 'to! Pagkatapos mangpuri ng amoy,manlalait naman ng kulay!" Tinignan niya ang nobya na pulang-pula sa kakatawa "Tawang-tawa tayo ah?"


"Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako or matatakot na namana ni Pio pati pagkapilyo mo...pero ngayon,natutuwa ako kasi nakakaganti din ako sa'yo!" Binelatan pa niya si Vice kaya walang nagawa ang huli at padabog na kinuha ang towel at pumasok ng banyo



Tinuturuan ni Karylle si Pio ng alphabet nang bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas si Vice na nakatapis ng twalya sa dibdib na akala mo ay babae na tinatago ang hinaharap.

"Hmmm!! Banow tawaga Dada!" Pagsisimula na naman ni Pio


"Nahiya ako sa'yo kaya mag scrub ako ng kili-kili.Tignan mo,ang puti na." Saktong pagtaas ni Vice ng braso ay siyang paghulog ng kanyang towel.Agad na nanlaki ang mata ni Karylle at pilit tinatakpan ang mata ni Pio pero sige naman sa pag-alis ng harang ang anak


"Hawa (hala),bird!" Tinuro nito ang junjun at sabay lingon kay Karylle


"Vice! Mag takip ka na nga!" Saway niya dito at pilit na iniiwas ang tingin


"It's not a bird,bud.It's an eagle." Pilyong sabi ni Vice kasabay ng pagdampot ng twalya


"Magbihis ka na nga doon.Mamaya,mahubaran ka na naman."


Agad naman sumunod si Vice at tumungo ng closet dahil mahirap na.Sadista pa naman ang nobya niya.





"Baby,please behave ha? Baka naman puro kalat pag-uwi ko." Pakiusap ni Karylle sa anak at nag bend down siya para makausap ito ng maigi


The Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon