Naputol ang mahimbing na tulog ni Vice nang makarinig siya ng maliit na galaw sa ibabaw ng kanilang kama.Napadilat siya at nakumpirma na gising na ang anak at nakangiting malawak sakanya.
"Ningning(Good morning),Dada!" Masiglang bati nito sakanya at dumapa din para mayakap siya
"Good morning,pogi!" Niyakap niya ito ng mas mahigpit at pinaghahalikan ang mukha
"Tap(Stop),Dada! Hahahaha! Yaw na Iyo!" Pilit itong umiiwas sa pagkiliti ni Vice sakanyang leeg pero patuloy lang din si Vice
"Bango ng baby ko! Amoy lungad!" Nilapit niya ang mukha sa leeg ni Pio at mas lalo itong pinanggigilan
Nagkakatuwaan silang mag-ama nang maramdaman ni Vice ang pagluwag ng pagkakayakap sakanya ni Karylle sa bewang. Naramdaman din iyon ni Pio kaya nagkatinginan silang dalawa.
"Oshy (Noisy) Dada! Dising (Gising) Mama ko!" Pilit na pabulog na saway nito kay Vice pero rinig na rinig pa din ang boses nito
"Anong ako? Ikaw kaya 'yon! Lagot ka!" Pananakot niya dito at muli silang natahimik nang dumilat na ng tuluyan ang mga mata ni Karylle
"Aga niyo ata nagising?" Humihikab pa ito at napapapikit pa ang mata
"Dada!" Paninisi nito sa ama at tinuro pa ito
"Nanisi na naman ang magaling mong anak." Umirap si Vice at inalis ang anak na nakakandong sakanya para mayakap si Karylle
"Good morning,babes." Nakangiting bati niya sa nobya sabay halik dito
"Good morning,baby." Malambing na tugon ni Karylle at hinalikan din si Vice
Nabaling ang tingin ni Karylle sa anak na naka cross arms at masama ang tingin sakanila.Ang nguso nito ay parang hinila sa haba.
"Problema mo?" Mataray na tanong ni Vice sa anak para asarin ito
"Dada not baby! Iyo baby Mama(Pio lang baby ni Mama)" Masungit na balik nito sakanya at mas lalo sumama ang tingin
"Ayoko! Hindi kita alablab! Hindi ka din alablab ni Mama kasi ako baby niya!" Pagpatol niya sa anak at ginaya ang itsura nito
"Mama,o! Dada payt me!" Alam niyang hindi siya mananalo sa ama kaya naman lumapit siya kay Karylle para humingi ng tulong
"Napakamature,Vice." Naiiling na saad ni Karylle at binuhat ang anak para makaupo sa lap niya "Papaiyakin mo na naman anak mo. Ang pogi pogi pa naman."
"Naghanap pa ng kakampi." Si Vice naman ngayon ang umasim ang mukha at si Pio naman ang napangisi "Kahit humingi ka ng tulong sa nanay mo,hindi ako natatakot diyan."
"Talaga?" Tila naghahamon na sabi ni Karylle kaya napalunok si Vice pero hindi pinakita ang kaba
"Sus! Bakit naman ako kakabahan sa'yo? Alam mo naman na saating dalawa,ikaw ang laging talo." Tapang-tapangan na balik ni Vice at tinaasan ng kilay ang nobya kahit wala naman siyang kilay
"Are you hearing yourself,mister?" Mas lalo nasindak si Vice sa tono ng pananalita ni Karylle at kahit anong tago niya ng kanyang takot,hindi iyon nakalagpas sa mata ng anak
"Ladot ka,Vetewal (Viceral)" Pananakot sakanya ng anak na halatang hirap ito sa pagbigkas ng salita kaya natawa nalang siya
"Viceral hindi Vetewal.Nanakot ka pa eh bulol ka naman!"
BINABASA MO ANG
The Lucky One
FanfictionYou can thank your stars all you want but I'll always be THE LUCKY ONE