Bakit?!

4 2 0
                                    


Mahal,

Limang letra, Isang salita,
Dalawang patinig, tatlong katinig.

Mahal,

Hayaan mo akong tawagin kitang mahal.

Hayaan mo kahit dito lang,
Dahil dito lang kita maaring matawag na ganyan.

Dahil dito lang kita maaring maging akin,
Na mayroong ikaw at ako sa mundong ito.

Pero masakit mang isiping kahit na dito ay isa ka rin pa lang panaginip,
Na mamumulat lang din akong sa realidad.
Pinilit kong kalimutan ka,
Pinilit kong alisin ka sa aking sistema,
Pilit kong inilalayo ang isip ko sa iyong mukha,

Pinilit ko...
Pero kahit na anong pilit ko na kalimutan ka, alisin ka, layuan ka,

Bakit??

Bakit ika'y pilit na bumabalik?
Na waring nakabaon ka na sa aking sistema,
Na waring nakatatak ka na sa aking isip,
Na waring parang isang tinta ng ballpen na hindi mabura-bura kahit na anong gawin.

Bakit?

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon