Ilang tula pa ba?

4 3 0
                                    

Ilang tula pa ba?

Ikaw ay isang lalakeng aking pinangarap,
Lalakeng hinangad na mapasaakin sana.
Ikaw ay hinangaan sa mundo ng musika dahil sa taglay mo na galing,
Musika na alam kong iyong naging mundo.

Ako'y isang tagahanga mo,
Ika'y isang idolo ng lahat.
Ako'y isang wala,
Ika'y isang pangarap.
Ako at ikaw,
Sa mundong ito ay wala.

Alay ko 'ito sa iyo,
Pero ilang tula pa ba?
Ilang tula pa ba ang aking gagawin at iaalay ko para sayo?
Ilang tula pa ba ang maari kong magawa na ikaw ang naging dahilan kung bakit ito'y nagawa?
Ilang tula pa ba ang maiaalay ko sayo mahal?
Ilang tula pa ba?

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon