Di Mahalimuyak

3 3 0
                                    


Di Mahalimuyak


Hayaan mo ito'y ialay ko para sayo,
Para sayo na hindi ako kilala,
Para sayo na hindi ako napapansin,
Para ito sayo na lihim kong ginusto.

Hayaan mo itong damdamin ko ay ihandog sa iyo ito,
Hayaan mo na kasi ito lang ang paraan ko para mailabas ang lahat ng gusto kong ipahatid sayo.

Noong una kang makita,
Mata ko'y parang walang buhay,
Na para bang isa ka lang bulaklak na hindi gaanong pansin,

Noong una kitang makita,
Alam ko na hindi ko ikaw gusto,
Alam ko na hindi ikaw ang lalakeng gusto kong makita araw-araw,

Pero lahat pala ng yan ay pagpapanggap lang,
Pagpapanggap lang kasi pilit kong isinisira ang realidad na ginusto kita,
Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na 'wala akong gusto sayo',

Na noon pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na walang ikaw na ginusto ko,
Walang ikaw na hinahangan ko.

Waring natatakot umamin,
Natatakot dahil sa hindi mawaring kadahilanan.
Ewan, hindi ko alam kong bakit!
Hindi ko alam kong takot akong aminin sa sarili ko na ginusto na kita noon palang.

Isang araw nagmulat ang aking mga mata at sinabing,
Gusto na kita.
Oo, gusto na kita noon pa lang.

Ginusto na kita noon palang ng hindi ko namamalayan.

Hindi ko namalayan ang damdamin kong ito na nahuhulog na pala sa isang strangherong katulad mo.

Hindi ko alam at wala akong dahilan kong bakit,
Kung bakit damdaming ito'y napansin ang isang bulaklak na katulad mo.

Pero napagtanto ko,
Napagtanto sa aking sarili na.

Oo, isang ka lamg bulaklak na hindi gaanon kapansin,
Pero isa kang bulaklak na dapat pinapahalagahan dahil kung wala ang isang bulaklak na katulad mo,
Hindi mabubuo ang isang harden kong wala ka.

Ikaw isang bulaklak na may makatagong galing, halimuyak, at kagandahan.

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon