Aking Inay

3 3 0
                                    

Aking Inay
(Spoken Poetry) Riccs Palacio

Ina,
Isang ilaw ng tahanan kung tawagin,
Instrumento upang maisilang isang katulad mo sa mundo,
Isang babaeng minamahal ka ng lubos,

Aking kaibigan,
Sisimulan ko na, ang tulang ito ay alay sa iyo,

1, 2, 3

Pagbilang ng tatlo ay agad na tatalima
Pagbilang ni Ina ay siyang kinatatakutan
Pagka't, makulit na bata ay wala pang ligo
Aba'y kay baho na't kailangan ng pabanguhin

Heto na't kiliti ng Ina ay paparating na
Batang makulit ay siyang mabango na

Paglipas ng panahon, kay bilis
Bata'y naging binata,
Alaga at pagmamahal ng Ina di kumupas,
Ngunit, bakit aking Bathala?

Buhay ng Ina'y binawi, di man lang nagsabi
Lungkot at lumbay ay namutawi
Mga luhang dumadaloy sa mga matang nakapikit
Aking Bathala, buhay ko rin sana ay bawiin

Aking mahal,
Huwag ng malumbay, pagluha ay itahan na
Pagkat dito lang si Inay, sa tabi mo nakaantabay
Pagmamahal ng iyong Inay, sa puso mo'y mananatili

Sa aking paglisan, Wag ng mabahala
Pagkat sa puso mo'y lagi akong nariyan
Luha sa iyong mga mata ay pahirin na
Pagkat nandito na si Inay, babantayan ka

Oh aking anak,
Masakit sa akin ang nakikita kang lumuluha
Tumahan na, tahan na...
Sa aking pagbilang, sana'y itigil na ang hinagpis ng pinakamamahal kong anak

1, 2, 3...

Tuyong luha ang inabot, aking Ina'y sa panaginip ko nalang makikita
Tinig mo'y hinahanap-hanap ng iyong anak na nalulumbay
Mga ngiti mong nagpapangiti rin sa mga labing nakabusangot
Aking Inay, mahal na mahal.

Bathala'y kay daya,
Buhay ng pinakamamahal ko ay binawi,
Alaala nalang ang nanatili, di ko maibabalik
Kaya aking mahal na Inay, oras na...
Paalam, mahal na mahal kita.
Hanggang sa muli, paalam.











Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon