Kape

3 3 0
                                    

Kape
Katha ni: Riccs Palacio

Kaibigan ko'y kay tapang
Ikaw, kayang ipaglaban
Hindi tulad ng mahal mo
Urong-sulong sa pag-ibig

Itong aking kaibigan
Ito'y karamay ng lahat
Sa puyatan maaasahan
Di tulad mo nang-iiwan

Salamat kaibigan ko
Gabing ako'y sinamahan
Ang init mo'y hinahanap
Ikaw sana wag kumupas

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon