Binatang Nahalina

4 3 0
                                    

Binatang Nahalina
Spoken Poetry

Munting harana para sa isang dilag
Oh kay gandang pagmasdan
Parang isang bulaklak
Namumukadkad, humahalimuyak
Hulog ka ba ng langit?
Bigay ka ba ni Bathala?

Simula pa lang,
Ikaw na ang napansin
Mga ngiti mong kaakit-akit
Ganda mo'y kahali-halina
Oh Binibini, isa ka bang diwata?

Ako'y iyong nabihag
Di mapigilan ang sarili'y humanga sa taglay mong ganda
Walang hiyang Kupido, ako lang ang pinana
Oh bakit Kupido?

Paggising sa umaga
Litrato mo sa aking silid ang unang pagmamasdan
Haay, kay ganda na ng simula
Para kang kape na iniinom ko sa umaga
Nagpapasigla sa maantuking Binata

Pagpasok sa skwela
Aba'y ikaw ang hanap ng aking mga mata
At kapag natanaw na, buo na ang araw ng isang binata
Ano ka ba?

Noong minsa'y nakabangga
Di ko mapigilan na ako'y tumulala
Mala-anghel mong mukha ay nasilayan ng malapitan
Aba'y natanung agad kay Bathala,
Bathala, tadhana na ba ito?
Bagama't nagising nalang ako,
Isang palad ang dumapo sa aking pisngi
Bathala, bakit?
Sa panaginip nalang ba kita malalapitan?

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon