Bulong kay Bathala

3 3 0
                                    

Bulong kay Bathala
(Tula/Formal)
Katha ni: Riccs Palacio

Sa langit nakatingala
Humihiling sa mga butuin
Sa kailaliman ng gabi
Nanalangin kay bathala

Akoy naghintay, nag-aabang
Naniwala kay tadhana
Na darating din siyang kusa
Ang isang hamak na pag-ibig

Ibinulong kay tadhana
Kailan ka ba papanhik
Ang pusong ito'y sabik na
Pagsinta mo'y hinahanap

Sa pag-ari moy sana
Puso ay huwag saktan
Pagkat ito'y sariwa pa
Sakit at dusa ay ramdam pa

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon