Walang Ako!

20 3 0
                                    


Walang ako

Andito na naman ako ang taong umaasa,
Nakatutok sa screen ng aking cellphone,
Tumitingin at naghahanap ng bagong ganap sa buhay mo.
Andito na naman ako't humahanga,
Humahanga sa iyong taglay na galing sa musika.
Andito na naman ako't umaasa,
Umaasa na sa mundong ito mayroong ikaw at ako.

Ikaw, napapansin mo kaya ako sa tuwing tayo'y nagkakasabay pauwi?
Napapansin mo kaya ako sa tuwing landas natin ay nakakatagpo?
Ikaw, napapansin mo kaya ako sa tuwing sinasagot ko ang status mo ng status din?
Napapansin mo kaya ako sa bawat like ko sa status mo.
Oo,ikaw. Pansin mo ba ako?

Marahil ay hindi,
Hindi kasi wala kang pakealam sa akin.
Hindi kasi sa mundo mo walang ako nabubuhay.
Marahil ay hindi,
Kasi iba,
Iba ang nasa puso mo't isip.
Kasi walang salitang "Ako" na iyong nalalaman,
Walang 'Ako' sa mundo mong siya lamang ang laman.
Walang Ako.

Walang ako sa mundo mo na umaasang magiging tayo,
Walang ako sa mundo mo na umaasang mayroong ikaw at ako.
Walang ako sa mundo mo na tanging siya lang ang laman,
Walang ako sa mundo mong tanging siya lamang ang saya.
Walang ako na umaasa, humihiling, nagsasabi ng,
Sana ako nalang.
Na pwede bang sa akin ka nalang,
Dahil baka kung sa akin ka,
Alam ko.., alam ko na hindi ka masasaktan dahil sigurado akong mamahalin kita.

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon