Biyaheng di ko mawari

4 3 0
                                    

Biyaheng di ko mawari

Saksi ang kasangkapan ng kalangitan kung paano ako naging masaya, malungkot at nasaktan.

Ang mga bituan, ang mga buwan.
Oo, saksi sila sa aking biyahe na di ko mawari.
Bakit nga ba di ko mawari?
Ganto ko sisimulan.

1,2,3.

Magsimula tayo sa kung saan nagsimula ang biyahe ko. Biyaheng walang alam sa kung ano ba ang nangyayari sa paligid.
Tila ba'y sumasabay nalang sa agos ng ilog na kung saan magpapatangay nalang sa daluyong nito. Sumasabay sa agos na hindi mo mawari kung saan dadalhin ng agos.
Sasabay nalang hanggang sa ilog na mismo ang susuko. Dadalhin sa kung saan ka nararapat, sa lupa. Napadpad sa dalampasigan buhat ng mga agos.

Ako'y nagkaroon ng malay, minulat ang mga matang nakapikit na galing sa masasakit na nakaraang iyong tinahak. Buhat sa nakaraang sakit ay naidulot sa'yo.
Pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan.
Ako'y pumikit... Nagtanong sa kanya.

Panginoon, ako'y iyong dinggin.
Paano ako tatayo sa sarili kong paa?
Paano ako mangangarap na walang balakid na hinaharap?
Paano ko gagawin ang mga gusto ko sa buhay na walang takot na sumisilip?
Paano ako magmamahal ulit na walang takot, pangamba, pagda-dalawang isip, at lungkot na nakadikit.... na naka-ukit.
Bakit na paulit-ulit na gigisingin kong wala namang dahilan?
Panginoon? Maraming katanungan pero walang mahanap na sagot sa mga tanong.

Ramdam ko ang tubig na rumagasa sa gilid ng ang aking mga mata. Luhang waring hindi ko alam kung bakit lumabas.

Bakit ako nasasaktan?
Bakit ako nagdadalamhati?
Bakit ako malungkot?
at...
Bakit ako umiiyak?

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon