Kapag Mahal Mo, Ipaglaban Mo

4 3 0
                                    

Kapag Mahal Mo, Ipaglaban Mo
Riccs Palacio

Itutuloy ko pa ba?
Ihahanda pa ba ang sandata?
Ilalaban pa ba?
Pag-ibig na ito'y sa taong aking lubos na minamahal
Kung sa huling niyang salitang binitiwan ay...
Isang liham pamamaalam na

Ipaglalaban ko pa ba,
Ang "Tayo" na masaya nating binuo
Ang "Tayo" na naging sandalan natin
Ang "Tayo" na nagmamahalan
Subalit, bakit pa?
Bakit ko pa ipaglalaban ang mahal ko
Kung ang salitang "Kami" ay sa panaginip nalang lilitaw
Kung ang salitang "Kami" ay matagal ng ibinaon sa hukay
Kung ang "Tayo" ay matagal ng nagtapos
Tinapus ng wala man lang pasabi
Di uso ang closure? Ganun-ganon nalang?

Ang dating tayo na tinalikuran mo
Ang dating tayo na kinalimutan mo
Ang dating tayo... dating tayo...
Dating tayo na mananatili nalang alaala sa akin

Akala ko ikaw at ako habambuhay, hanggang dulo
Bakit sa dulo ako nalang ang naiwan mag-isa
Walang tayo, walang ikaw at ako

Ngayon mo sa akin sabihin na..
Kapag mahal mo, ipaglaban mo
Kung ang taong mahal ko ay masaya na sa piling ng iba
Ipipilit ko pa ba?
Hindi... hindi na... Isusuko ko na
May iba na siya, masaya na siya
Guguluhin ko pa ba?
Hindi ako ipinanganak na aso, tao ako,
Kaya di ako maghahabol,
Gwapa ko, kaya I left!

HAHAHAHAHA anong masasabi niyo?

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon