Ako Lang Ang Nakakaalam

8 3 0
                                    

Ako Lang Ang Nakakaalam

Ilang tula pa ba ang iaalay ko para sayo?

Ilang tula pa ba ang magagawa na tungkol lamang sayo?

Ilang tula pa ba ang maiaalay ko para sayo?

Siguro'y hindi ko na tanda
Dahil ang tanging laman ng utak ko ay ikaw.
Sa bawat araw na ako'y natutulala sa kawalan,

Alam mo ba ang naiisip ko?

Ikaw!

Nag-iisip, naghahanap ng  solusyon sa pag-ibig kong ito na kung paano ako makakahanap ng paraan sa kung paano kita malilimot.

Oo, sa kung paano kita malilimot dahil alam ko sa sarili ko na, wala.
Oo, wala! Walang tayo na umiibig sa isa't-isa, na nagmamahalan.

Na walang ako at ikaw sa mundong ito.
Dahil tanging ako, ako lang, ako lang ang nakakaalam sa pag-ibig ko sayo.

Tama,
Ako lang, walang iba.
Ako lang itong si tanga na wala ng pag-asa sa puso mo.
Ako lang ang nakakaalam sa pag-ibig kong ito sayo.

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon