Paalam Ginoo, Aking Mahal.

3 3 0
                                    

Paalam Ginoo, Aking Mahal
(Poem story Part ll of Ikaw, Ako, at Ako)

Katha ni: Riccs Palacio

Akala ko, akala ko'y habambuhay
Akala ko, Akala ko'y hanggang dulo
Ikaw ay minahal ng lubos, Ginoo
Ngunit di sapat panahong binigay ni Bathala

Hindi ko gusto lisanin ang mundo
Subalit, tadhana na ang nagpasya
Hindi ko ginustong lisanin ka, Ginoo
Ngunit, Bathala ang siyang nagpasya

Hindi ko gustong wakasan ang pag-iibigan natin
Hindi ko gustong saktan ka
Ngunit, di gusto ng tadhana
Hindi ginusto ng Bathala

Pag-iibigan natin, di pinahintulutan
Tadhana'y hamak, Bathala'y ang daya
Di man lang nagsabi, puso'y nagkaron ng hinagpis
Ba't pa tayo pinagtagpo?

Ang mundo nating binuo
Masaya na matamis, makulay na matimyas
Sasariwain na lang ba'ng alaala
Bubulong nalang ba sa hangin

Patawad, Ginoo
Di ko sadyang saktan damdamin mong puro
Subalit, puso ko'y sakit ay namutawi
Di alam galak na nadarama, papawiin din pala

Patawad, Ginoo
Minahal kitang lubos, di ko akalain
Mundo kong binuo na kasama ka
Bakit biglang naglaho, Oh Bathala bakit?

Patawad, Ginoo
Patawad sa aking paglisan,
Patawad sa alaalang mananatili sa iyo
Patawad, aking mahal

Paalam,
Mahal kita hanggang sa muli.





Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon