Nilalang

4 3 0
                                    

Nilalang
(Free Verse Poem) Riccs Palacio

Nalulungkot ka ba?

Makinig ka,
Hindi mo siya kawalan
Pagkat kawalan mo kung ika'y nawalan ng Diyos

Ika'y nilikha para mahalin
Hindi bagay na ginagawang laruan
Ika'y nilikha ng nasa Itaas
Inilagay sa mundong ibabaw
Upang masaktan, tama...
Masaktan ng sa ganoon ay matutong tumayo sa sariling mga paa

Huwag kang matakot
Matakot ka pag ang nasa itaas ay nawala
Ngunit, di mangyayari 'yun
Sapagkat maniwala lamang sa kanya
Ika'y maliligtas

Narito ako upang paalalahanan ka
Mahal ka Niya
Di ka niya iiwan
Ililigtas ka niya
Maniwala ka


Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon