MANANATILING PANAGINIP

7 3 0
                                    


Mananatiling Panaginip

Kailan?
Isang tanong na paulit-ulit nalang sumasagi sa aking isip.
Isang tanong na hindi mahanap-hanap ang sagot.

Kailan nga ba ako hihinto?
Kailan nga ba titigil ang puso ko na umasa sa'yo?
Dahil kahit anong gawin ko,
Bumabalik at bumabalik pa rin ako sa'yo.
Bumabalik pa rin ako sa kaka-asang mapapansin mo rin ako.

Panaginip ka nalang bang tunay,
O mananatili ka lang sa aking imahinasyon.
Marahil ay pareho,
Dahil alam ko na aasa na naman ako't nanaginip na,
Ikaw at ako ay mayroong tayo.

Ikaw, itong lihim kong iniibig
Ako, lihim na umiibig
Ikaw at ako, mananatiling PANAGINIP.

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon