Ikaw, Ako, at Ako.

4 3 0
                                    

Ikaw, Ako, at Ako
(Poem Story Part l)

Katha ni: Riccs Palacio

Ikaw at ako, at ang mundong binuo

Ikaw Ginoo, ang lalaking minahal
Ang bumihag sa natutulog na puso
Ikaw at ikaw lang Ginoo ang mahal

Ikaw Binibini, ang babaeng minahal
Ang babaeng matagal ko ng hinintay
Ikaw at ikaw lamang ang mahal

Aking Ginoo, minamahal kang lubos
Pangngalan mo ang siyang laging sa isip
Presensya'y laging hinahanap-hanap ko

Aking Binibini, aking minamahal
Kay sarap ng sa piling mo'y maglagi
Ang tinig mo sa akin ay nagpapatulog

Humiling ako kay Bathala, Ginoo
Ibinulong ko sa hangin ang nais
Pikit mata akong nanalangin, sana!

Binibini, ano ang inihiling mo?
Kung ako'y pagbibigyan, tainga ko'y handa
Puso ko'y handa kang mahalin, Binibini

Mahal kita, Ginoo, mahal na mahal
Puso ko'y di na alam ang gagawin
Bagama't pag-ibig na ito, kay daming hadlang

Oh aking Binibini, mahal kitang wagas
Tadhana'y lalabanan makapiling lang
Sandata'y handa na, ilalaban ko na

Oh aking Ginoo, kay tapang-tapang mo
Ngunit, hindi, sandata'y ibaba mo Ginoo
Huminahon ka't kumalma, halika na

Saan Binibini? Saan tayo pupunta?
Mundo ko'y ikaw, di kailangan agawin
Pagka't ikaw lang ang nais makapiling

Nakaraa'y babalikan natin, ibabalik
Alaala'y sasariwain natin,
Ikaw at ako, at ang mundong binuo

Napakasaya Binibini, ako't ikaw
Masaya, puno ng kulay, kay tamis
Mundong binuo, pag-iibigan natin

Pag-iibigan natin Ginoo, basal
May hihilingin sana ako sa iyo
Awitan mo ako't isayaw ng mabagal

Walang problema aking Binibini
Lahat susundin, mapasaya ka lamang
Mamahalin ka ng Ginoong ito

Asahan mo ring mamahalin kita
Ginoong, minahal ako ng tapat at wagas
Ngunit, akala ko, akala ko....

Bakit aking Binibini? Anong problema?
Binibini? Binibini? Nasaan ka na?
Binibini? Binibini? Nasaan ka?

Sinag na dumadampi sa aking mga mata
Iminulat ang mga matang nakapikit
Nagising sa reyalidad, wala ka na

Binibini, mundo natin na binuo
Ngayo'y naglaho, mundo ko'y gumuho
Dulot ng tadhana, di Bathala naghadlang

Sinubukan kong buohin, subalit...
Sinubukang ipilit, pero wala na
Puso nating nagmamahalan, nahati na

Alaala nalang pala ang namayani
Nakaraa'y binalikan sa panaginip
Nandoon ka, sa panaginip nalang pala

Ang iyong ngiti, ang mga mata mo
Ang iyong tinig, ang iyong halakhak
Aking Binibini, bakit ka lumisan?

Buhay mo'y binawi, walang pasabi
Ibubulong nalang sa sarili ito
Mahal kita hanggang sa huli, Binibini.

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon