Binibini

3 3 0
                                    

Binibini
Spoken Poetry

Tagu-taguan,
Maliwanag ang buwan,
Masarap... maglaro?
Hindi tayo maglalaro kundi magmamahalan tayo
Ulit..
Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Masarap magmahal kung taong mahal mo ay mahal ka rin
Ay teka, Binibini!
Mahal ka nga ba ng Ginoo?

Oo, dalawang magkaparehang letra
Labis ang galak ng Ginoo kung ito'y maririnig sa Binibining nililigawan mo
Pero teka nga, sandali lang Ginoo
Matanong ko lang,
Nililigawan mo ba o ililigaw mo lang?
Dahil kung ganyan lanģ naman, ay aba!
Umayos ka Ginoo,
Sapagkat hindi tamang saktan ang isang pusong matimyas kung magamahal

Sa iyong harana'y binibinini'y nahalina
Mahusay ka sa kalagay na iyan,
Humarap sa mga magulang upang iniirog mo'y mapasayo
Kaya puso ng isang binibini ay napasagot ng isang Ginoong matapang
Tatlong palakpak ay dapat ihandog ko sa iyo

1, 2, 3,
Tatlong beses..
Tatlong beses mo na pala siyang niloloko
Kaawa-awang binibini di man lang napuna

Tagu-taguan ay siyang nilaro
Binibini ay taya, ngunit di niya alam
Kaya ang lokong Ginoo, di man lang mahanap-hanap
Magaling, Ginoo
Magaling kang magtagong hinayupak ka
Mga salita mo'y kawangis ng isang ferris wheel,
Nakakaaliw, pero ang totoo'y pinapasakay ka lang upang Binibini ay mapa-ikot
Oh Binibini, imulat mo iyong mga mata

Sapagka't mahusay ang Ginoo, Matapang!
Sing tapang ni Rizal noon
Subalit hindi kita pwedeng ihalintulad sa ating pambansang bayani, Ginoo
Maging kina Bonifacio, Aguinaldo, at kay Heneral Luna
Sapagkat ang tapang mo'y iba sa tapang ng mga bayaning aking nabanggit,
Pagka't ang Ginoo,
Matapang lang sa panloloko
Isa bayaning duwag, isang duwag magmahal ng isang Binibini

Kaya, Oh aking Ginoo
Binibini ay di dapat niloloko
Tumigil kana't baka Bathala ay parusahan ka
Di mo alam kung kailan, saan
Ganti ng tadhana ay hindi nagsasabi

Ginoo'y di dapat tularan
Binibini ay nasaktan, nagmahal lang naman
Pero huwag kang mag-alala
Ginoong magmamahal sa iyo ng wagas ay siyang darating din
Binibini imulat mo na ang iyong mga mata
Sa katotohan, wag manatili sa Ginoong manloloko
Pagka't ang 'yung ganda ay di karapatdapat sa isang duwag na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahalan ninyo
Kumawala na sa pekeng mundo at muli kang bumalik sa mundo ng paraiso
Masaya, maaliwalas, dalisay
Bumalik ka na sa dating ikaw
Oh, Binibini!

Hinabing PalaisipanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon