Nakatingin si Tina sa mga pictures nilang dalawa ni Larkin sa gallery ng phone niya. Hindi niya mapigilang hindi umiyak. Ang sweet naman kasi ng mga kuha nilang dalawa ni Larkin noon. Umiiyak siya habang binubura isa-isa ang mga pictures nilang dalawa.Nang matapos niyang burahin ang mga larawan nilang dalawa ng binata ay sinunod naman niyang binura ang phone number nito. Sa totoo lang kasi ay hindi niya tanda ang numero ng binata kaya mas maigi pa na burahin niya na lang para wala na siyang pagkakataon na kontakin pa ito. Masakit! Pero kailangan na rin niyang tanggapin na wala na talaga sila ni Larkin at hindi na siya babalikan ng binata.
Babalik kang muli... Mga araw at sandali. Kahit wala ka na sa'king piling... Iibigin kita... Iyan ang sigaw ng puso ko, saan ka man naroroon pa...
Pati pala ringtone niya ay kailangan niya na ring palitan. Agad niyang sinagot ang tawag ng makitang si Zachary ito.
"Bakit?" iyan agad ang bungad niya dito. Alam niya na kumunot ang noo ni Zach sa kanyang sinabi. Tatlong araw na nang huli silang magkita at ngayon lang din ito tumawag. Hindi rin siya tumawag gaya nito dahil nahihiya pa rin siya hanggang ngayon sa nangyari sa kanila sa condo nito.
"Hindi ka ba busy? P'wede ka bang ayain na lumabas ngayon?" parang nag-aalinlangang tanong nito sa kabilang linya. Napabalikwas siya ng bangon at tumingin sa orasan ng phone niya. Alas-otso na ng gabi at hindi pa nga pala siya bumababa para maghapunan. Inuna pa talaga niya ang page-emote sa loob ng kanyang k'warto.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya dito.
"Heaven... Joke lang! Nag-dinner ka na? Kasi ako, hindi pa eh. Samahan mo naman akong kumain sa labas," saad ni Zach. Napataas naman ang kilay ni Tin sabay ng pamumula ng pisngi niya. Kahit hindi niya nakikita si Zach ay alam niyang nakangisi ang gwapong mukha nito ngayon.
"Okay... Hihintayin na lang kita rito," saad ni Tina na nakangiti. Tumayo siya at pumunta sa closet niya.
"Okay, baby... Hintayin mo ako diyan," bigla naman tumahip ang dibdib ni Tina dahil sa narinig mula kay Zach.
"Baby ka diyan! Sige na, magbibihis pa ako," narinig niya ang mahinang pagtawa nito kaya agad na niyang pinatay ang tawag. Napahawak na naman siya sa dibdib niya.
Ano bang problema mo, puso ka? Kailangan na ba kitang ipa-check up sa isang doctor?
Ilang minuto pa ay narinig niyang may bumusina sa labas ng gate nila kaya dali-dali si Tina na pumanaog sa baba ng kanilang bahay.
"Where are you going, honey?" nagtatakang tanong ng mommy niya na nasa sala at nanonood ng palabas sa tv. Lumapit siya sa mommy niya at hinalikan ito sa pisngi.
"Nasa labas na po kas--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil andoon na si Zach sa may pintuan ng kanilang bahay. Nakangiti ito sa kanila. Ewan ba niya pero bigla na lang lumundag ang puso niya nang masilayan ang mukha ng binata. Tatlong araw rin na hindi niya ito nakita at namiss nga niya ito.
"Good evening po, tita... Okay lang po ba na lumabas kami ni Tina sandali?" nakangiting saad nito sa mommy ni Tina.
"Oo naman, hijo. Akala ko kasi ay lalabas na naman itong mag-isa at magpapakalasing," tiningnan siya ng mommy niya kaya napayuko siya.
"Mommy naman... Last na nga po iyun. Hindi na iyon mangyayari ulit." Saad ni Tina sa ina.
"Oo na, naniniwala na ako. Mag-ingat kayong dalawa sa labas huh?" sabi ng mommy niya na nakangiti.
"Yes po, tita. Ako pong bahala sa magandang anak niyo," Lumapit siya kay Tin at hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Hindi nga ito takot sa mommy niya at wala ring reaksiyon ang mommy niya.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
Aktuelle LiteraturKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...