I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing upThen you smiled over your shoulder
For a minute I was stone-cold sober
I pulled you closer to my chest
And you asked me to stay over
I said, I already told you
I think that you should get some rest."Tin, tama na iyan. Hindi mo na kaya, iuuwi na kita sa bahay niyo," sabi ni Zachary sa babaeng kaharap niya ngayon sa isang bar. Inaya siya nito na uminom dahil broken hearted ito. Kanina pa sila sa loob ng bar at nakailang shots na rin si Tina kaya alam niyang lasing na ang dalaga.
"Hindi, Zach! kaya ko pa. One more, please," sabi nito sa namumungay na mga mata. Nakikita ni Zachary sa mga mata ni Tin kung gaano ito kalungkot ngayon at nasasaktan kaya napapamura na lang siya sa loob niya.
Fvck you, Larkin! Bakit mo siya nakuhang saktan? Bakit mo nagawang ipagpalit siya sa iba?
Hindi na nakatiis si Tina at kinuha ang isang klase ng bote ng alak at diritsahang ininom ang laman nito.
"Hindi ko malasahan ang pait! Tang'ina! Isa pa!" hindi na napigilan ni Zach na yakapin ang dalaga.
"Stop this sh-t, Tin! Hindi ito makakatulong sa'yo! Sa tingin mo dahil nagpakalasing ka, mawawala na iyang sakit na nararamdaman mo ngayon? No! Hindi iyan mawawala," Hinagod niya ang likod ng dalaga. Sa ikaapat na pagkakataon, umiyak na naman ito. Basa na ang balikat niya dahil sa mga luha nito. Sobrang mabigat din ang loob niya dahil sa dinaranas ng dalaga.
"I did everything, Zach! Binigay ko sa kanya lahat, ang puso't kaluluwa ko! Kulang pa ba lahat ng ginawa ko? Panget ba ako?" Tanong ni Tin na mapaklang tumawa. Hinalikan niya ang buhok ni Tina. Humikbi na naman ito ulit.
"No, hindi ka panget. Nasa sa'yo lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap naming mga lalaki," sabi ni Zachary na mas lalong humigpit ang ginawang pagyakap sa dalaga.
"Then, why? Bakit niya nagawang saktan ako at ipagpalit sa babaeng mukhang tipaklong na iyon? Hindi ko siya maintindihan. Sobrang sakit, Zach," Panay ang agos ng mga luha niya sa balikat ni Zach. Humigpit ang yakap nito sa kanya.
"He was stupid! He's not worth your tears, kaya huwag ka ng umiyak dahil sa lalaking iyon. " sabi ni Zack dito. Tumahan si Tin sa pag-iyak at dahan-dahang iniangat ang mukha para magpantay ang mukha nila ni Zachary.
"I love him so much, Zach. How can I forget him? Sana balikan niya ako," sabi ni Tina kay Zachary. Napatiim-bagang si Zachary.
Swerte ng pvtang'inang iyon! Mahal na mahal siya ni Tina. Kung sana hindi ko hinayaang mahulog ang loob niya kay Larkin noon, kung hindi lang sana ako nagparaya noon sa nararamdaman ko para kay Tina. Hindi ko sana nakikita ang sitwasyon niya ngayon. Ayokong nakikita siyang nasasaktan dahil Kay Larkin!
"Gusto ko pang---urgh!" napamura si Zachary ng sumuka bigla si Tina sa harapan niya. Pareho silang basa ng suka nito.
"Sabi ko naman kasi sa'yo hindi mo na kaya. Ihahatid na kita sa inyo," nakatingin na sa kanila lahat ng mga tao na nasa loob ng bar. Wala ng lakas si Tina kaya binuhat siya ni Zachary in a bridal way.
"Huwag sa bahay, Zach. Papagalitan ako ni mommy at daddy," nakuha pa niyang magsalita bago ipikit ulit ang mga mata. Wala siyang choice kundi dalhin ang dalaga sa condo niya.
Nang maibaba niya ito sa kama ay agad siyang kumuha ng maligamgam na tubig at isang bimpo. Pinalitan na muna niya ang kanyang damit at pinuntahan si Tin na mahimbing na natutulog sa kama niya.
Kung ako nalang sana ang minahal mo, hindi ko hahayaan na mangyari sa'yo ito. Hindi kita paiiyakin at hindi sasaktan.
Pinunasan niya ang mukha ni Tina, namumugto na ang mga mata nito dahil sa kakaiyak. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok nito na nakatabon sa mukha ng dalaga at inipit sa gilid ng tainga nito. Nate-temp siyang halikan ang mapulang labi ni Tina. Bigla tuloy nakaramdam siya ng pag-iinit ng katawan.
BINABASA MO ANG
Ako na lang sana COMPLETED
General FictionKristina 'Tina' Drilon. Simpleng babae pero may tanging angking ganda. She loved her boyfriend so much but in the end, iniwan lang siya nito. Sa mga oras ng kalungkutan niya ay andiyan naman ang lalaking handang pasayahin siya. Zachary 'Zach' Valenc...