Chapter 3

256 77 95
                                    


Matapos ang tagpong iyon ay hinatid na ni Zach si Tin sa kanilang bahay. Wala silang imikan na dalawa habang nasa loob sila ng kotse. Pakiramdam ni Tin para silang pinapatay na dalawa ng katahimikan. Naririnig lang ni Tin ang mga buntong-hininga na pinapakawalan ni Zachary. Hindi pa rin siya makapaniwala na bumigay siya sa halik ni Zachary.

Namumula pa nga ang pisngi niya ngayon hanggang ngayon habang iniisip kung paano niya nagawang tumugon sa matamis na halik nito at kung paano siya gumanti sa mga haplos na iginawad sa kanyang katawan. Nahihibang na nga yata siya o epekto pa rin siguro ng alak na ininom niya kagabi. Hindi na talaga siya iinom.  Muntikan pa silang bumalik sa kama ni Zach kung hindi lang tumunog ulit ang cellphone ni Tina.

Humingi ng sorry si Zachary sa kanya pero ganting-ngiti lang ang sinagot niya dito. Wala namang dapat ihingi ng tawad ang binata dahil inaamin niya na sa kanyang sarili na nagustuhan niya naman ang ginawa ni Zach sa kanya. Kung hindi ay gumawa na sana siya ng paraan para hindi sila umabot ni Zach sa ganoong tagpo.

Siguro nga kailangan na niyang mag-move on at bigyang laya ang puso na magmahal muli. Sana madali niyang makalimutan si Larkin sa tulong ni Zachary. Sana madaling maalis sa isip niya ang idinulot na sakit sa kanya ni Larkin.

"Parang sobrang tahimik niyo naman yatang dalawa," puna sa kanila ng Mommy ni Tin. Nagkatinginan sila sa isa't-isa. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakapunta si Zachary sa bahay nila Tina. Noong college pa kasi sila ay nagpupunta rin ang binata sa kanila at dinadalaw siya. Minsan kasama ang dating nobyo nito na si Larkin. Kilala ito ng parents ni Tin at mas close pa nga ito sa parents niya kaysa kay Larkin.

Itinuon ulit ni Zachary ang atensiyon sa pagkain na inihanda ng mommy ni Tina. Nakatingin pa rin siya kay Zach at nabigla na lang siya ng sinalubong nito ang tingin niya. Biglang namula ang kanyang pisngi nang ngumisi ito sa kanya. Napakurap-kurap tuloy ang mga mata niya. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hindi niya mawari kung bakit ganito na lang siya mag-react ngayon sa inaasta ni Zach.

"Aalis na po ako, Tito, Tita. Thank you sa breakfast, Tita. The best ka po talagang magluto," Nakangiting saad ni Zach sa Mommy ni Tin. Napangiti naman ito sa sinabi ni Zach.

"Thank you, hijo. Kapag may oras ka, sana bumisita ka ulit dito." Saad ng Mommy ni Tin.

"Oo naman po. Babalik po ako dito ulit." Tumayo na si Zach at pati na rin si Tina.

"Salamat at inalagaan mo ang anak namin kagabi. Sana hindi na niya uliting magpakalasing dahil papaluin ko na talaga sa p'wet ang batang ito," natatawang saad ng Daddy ni Tin. Lumapit siya sa Daddy niya at hinawakan ang braso nito.

"Daddy naman e! Last na po iyon. Hindi na mauulit. Promise po. Broken hearted lang ang anak niyo, dad. Kaya intindihin mo na lang. I love you, dad," sabi niya at hinalikan ito sa pisngi. Natawa na lang ang daddy niya. Tinodo na niya ang paglambing dito para hindi siya mapagalitan.

Hinatid na niya si Zach sa sasakyan nito na nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

"Thank you for taking care of me last night. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala ka kagabi sa tabi ko," saad ni Tina kay Zach nang makalapit na ito sa kanyang kotse. Humarap ito sa kanya at hinawakan ang balikat niya.

"Tawagan mo ako kapag malungkot ka at gusto mo ng kausap. Huwag ka ng umiyak ulit. Ang panget mo kapag umiiyak ka, promise." Natatawang saad nito sa kanya. Tinabig niya ang kamay nito at tinaasan niya ng kilay si Zach.

"Hindi ako naniniwala na panget ako. Pero thank you talaga at andiyan ka," ngumiti ito sa kanya at ginawaran ng isang halik ang kanyang noo. Pumasok na ito sa kotse at pinaandar. Nakatingin siya sa kotse ni Zach habang papalayo. She took a deep breath bago pumasok ulit sa gate nila. Alam niyang magtatanong ang mga magulang niya kung anong nangyari at bakit siya nagpakalasing. Nakaabang na nga ang mommy niya sa kanilang pintuan.

"Ngayon, sabihin mo sa amin kung bakit ka naglasing kagabi at hindi dito umuwi sa bahay. Bakit ka sa condo ni Zach natulog? Alam ba ito ni Larkin?" bigla tuloy sumakit ulit ang ulo niya dahil sa mga  tanong ng kanyang Mommy. Humakbang siya palapit sa Daddy niya na kampanteng nakaupo sa kanilang sofa.

Hindi niya napigilan na umiyak nang yumakap siya sa Daddy niya ng mahigpit. Hinagid naman ng daddy niya ang kanyang likod.

"What happened, honey? Tell us," nagaalangang saad ng Daddy niya sa kanya. Napahagulgol na lang siya.

"He left me. Iniwan ako ni Larkin, dad. May mahal na siyang iba," umiiyak na sabi niya. Narinig niya ang pagmumura na ginawa ng Daddy niya. Pati Mommy niya ay nabigla sa narinig. Agad itong lumapit sa kanilang mag-ama at niyakap din siya ng mahigpit.

"I can't believed he did that to you, honey. Shhhh... Tahan na, huwag ka ng umiyak." Sabi ng Mommy niya na pinapatahan siya.

"It's okey honey. Hindi mo kailangang iyakan ang lalaking iyon. Marami pa namang ibang lalaki diyan na tunay kang mamahalin at hindi ka iiwan at sasaktan," saad ng Mommy niya. Alam niyang pinapagaan nito ang loob niya.

"I hate him but I still loved him. Bakit ganoon, daddy?" sabi niya na humihikbi. Itiningala ng Daddy niya ang kanyang mukha at tiningnan siya sa mga mata.

"He doesn't deserve your love, honey. If he truly loves you, hindi ka niya hahayaang luluha at masaktan. Hindi mo na dapat siya iniisip, anak. Kalimutan mo na ang lalaking iyon," sabi ng Daddy niya at pinahid ang mga luha sa kanyang mga mata. Niyakap siya ng mahigpit ng mommy at Daddy niya.

Handa na nga ba talaga siyang kalimutan si Larkin? Ito ang unang lalaking minahal niya. Ang unang lalaking nagpatibok ng mabilis sa kanyang puso. Ang unang lalaking nagpakilig sa kanya. Handa na nga ba talaga siyang kalimutan lahat ng ala-ala na meron sila dati ni Larkin? Akala niya kasi ay magkakaroon sila ng walang hangganan na pagmamahalan pero sa kanilang dalawa siya lang yata ang umasa na meron.

To be continued...

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon