Chapter 6

182 61 37
                                    


Naramdaman niya ang paggalaw ng kama ni Zach kaya agad niyang natiklop ang album nito. Ibinalik niya ito sa dating p'westo. Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bag. May message ang mommy niya at kinumusta siya. Agad niya naman itong ni-replyan.
Napangisi siya nang makita si Zachary na nakanganga na natutulog, she turned on her camera and took some shots of him. Perfect! Hindi niya mapigilang mangiti habang nakamasid sa binata na mahimbing na natutulog.

Agad na niyang ibinalik ang phone niya sa kanyang bag at humiga sa tabi ni Zach. Nakatunghay lang siya sa g'wapong mukha nito hanggang sa dalawin na nga siya ng antok.

Madaling araw nang makaramdam ng lamig si Tina. Iyon pala'y nakabukas ang bintana sa k'warto ni Zach. Hindi man lang nila ito namalayan bago matulog. Isasara na lang niya ang bintana. Tatayo na sana siya nang bigla siyang yakapin ni Zach sa kanyang baywang. Hindi siya makaalpas sa higpit ng yakap nito.

"Hayaan mo na ang bintana," nagising pala ito at alam nitong nakabukas ang bintana.

"Giniginaw ako, Zach. Isasara ko lang..." saad ni Tin na hinawakan ang braso ni Zach. Pilit siyang kumawala dito pero hindi na siya pinagbigyan ng binata. Hinapit pa siya lalo ni Zachary at isiniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya.

Biglang nagsitayuan ang balahibo ni Tina nang maramdaman ang mainit na hininga ni Zach sa leeg niya. Bigla yatang nanuyo ang lalamunan niya dahil sa init na dulot ng mabibigat na paghinga nito sa leeg niya.

"Zach," bulong niya dito. Natuod yata siya bigla at hindi makagalaw. Inabot muna nito ang kumot na nasa gilid at ibinalot sa kanilang katawan na tanging ang kanilang mga ulo lang ang lilitaw.

"Matulog ka na ulit," saad ng binata at isiniksik ulit ang mukha sa kanyang leeg. Halos hindi na makahinga si Tina ng normal dahil sa ginagawa si Zach sa kanya. Paano ba siya makakatulog kung sa bawat paghinga ni Zach sa leeg niya ay may kung anong nabubuhay sa kaibuturan niya. Ramdam na niya ang init sa buong paligid nila at biglang nawala iyong malamig na hangin.

"Zach, stop it! I can't sleep!" she heard him chuckled kaya pinong mga kurot ang ibinigay niya sa tagiliran nito at bigla itong napahiyaw.

"I'm sorry," paumanhin nito at lumayo ng bahagya sa kanya pero nakayakap pa rin ang mga braso sa katawan niya. Hindi na lang niya ito sinaway pa at ipinikit na lang niya ulit ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang paghaplos ni Zach sa pisngi niya at ang pagdampi ng labi nito sa labi niya bago siya makatulog ulit.

Kinaumagan, naunang bumangon si Zachary. Magaan ang pakiramdam niya. Agad niyang nilingon ang isang napakagandang anghel na natutulog sa kama niya. Napangiti siya habang nakatunghay dito. Hindi pa nakatiis ay yumuko para gawaran ito ng masuyong halik.

"I love you," bulong niya dito. Tumayo na siya at lumabas ng kwarto. Sinalubong naman siya ng katahimikan sa loob ng kanilang bahay. Agad siyang nagtungo sa kusina nila at naabutan niya ang mga kapatid niya at ang mama niya. Agad siyang ngumiti sa mga ito. Sobrang na-miss rin niya ang pamilya niya.

"Morning, Ma," bati niya sa ina at nilapitan ito at binigyan ng halik sa magkabilang pisngi.

"Morning Kuya," bati naman ng dalawa niyang mga kapatid na nakangisi. Tumingin siya sa dalawa at nginitian.

"Morning," sabi niya sa dalawa.

"Kape mo, 'nak..." sabi ng mama niya at inabutan siya ng isang tasang kape. Matagal na rin nang huli niyang matikman ang gawang kape ng mama niya.

"Thank you, Ma. Si Papa, po?" saad niya sa ina at humigop sa kape.

"Andoon kina ate Jezel mo. Kinuha nila iyong tatlong baboy na iihawin niyo mamayang gabi," sagot ng mama niya. Napatango si Zach.

"Kuya, si ate Tina ba'y gising na?" tanong ni Amber. Ang bunso sa kanilang magkakapatid.

"Hindi pa e. Ang sarap ng tulog niya." Nakangiting saad ni Zach. Magkayakap silang dalawa ni Tina nang magising siya at ito na ang nakasiksik sa dibdib niya kaya hindi niya mapigilan na mangiti nang malawak.

"Kuya, may nobyo ba si Ate Tina?" tanong naman ni Junifa. Umiling siya dito. Humigop ulit ng kape.

"Wala. Hindi iyan sasama dito kung may boyfriend siya." Sagot niya st humigop ng kape.

"Bakit hindi mo ligawan, Kuya? Sayang naman. Ang ganda niya at mabait pa. Alam mo, bagay kayong dalawa... Kaya bakit bestfriend lang? Tsk!" natawa siya sa turan ni Junifa. Huwag nga kasi madaliin ang lahat.

"Darating din tayo diyan," saad niya na lang dito. Ngumiti ang dalawa sa kanya.

"Kayong dalawa, tigilan niyo ang Kuya niyo sa kakatanong. Baka marinig kayo ni Tina, nakakahiya naman sa bisita." saad ng mama nila.

"Sorry, Mama..." sabay na sabi ng dalawa.

"Mama, babalikan ko lang muna si Tina sa k'warto," saad ni Zach at tumayo. Pinagtimpla niya ng kape ang dalaga tsaka siya humakbang pabalik sa kwarto. Naabutan niya ang dalaga na inaayos ang kama niya.

"Good morning, honey..." nagulat ito sa sinabi niya kaya agad siya nitong tinaasan ng kilay. Akala niya ay babatuhin na siya nito ng unan kaya inihanda na niya ang kanyang sarili.

"Good morning," ngumiti ito sa kanya at naupo sa kama. Hindi ito pumalag nang halikan niya ito sa noo at ibinigay ang isang tasa ng kape.

"Thank you," sabi nito sa kanya. Tumabi siya rito at tinitingnan lang niya ang dalaga habang iniinom ang kape.

"It taste good," saad ni Tin at inamoy pa ang kape. Napangiti siya dito.

"Si mama gumawa niyan," purong kape kasi iyon.

"Talaga?" nakangiti nitong tanong.

"Oo," sagot naman ni Zach.

"P'wede bang magdala nito pabalik sa Manila? I'm sure magugustuhan 'to nila daddy," saad ni Tina. Lalo namang napangiti si Zach.

"Oo naman," sabi ni Zach. Hindi nagtagal ay lumabas sila ng kwarto at pumunta sa labas ng bahay nila Zach. Ipinasyal siya sandali ng binata sa lugar nito.

Nakasalubong nila ang tatlong babae na naka short shorts. Malayo pa lang ay kita na Tin ang malagkit na mga tingin ng mga ito sa kasama niya. Nagulat siya nang akbayan siya ni Zach nang makalapit na ang tatlo sa kanila.

"Hi, Zachary... Kailan ka lang dumating?" malanding tanong ng babae na kulay brown ang buhok at halos luluwa na ang dibdib nito sa suot na tube. Parang hindi siya nage-exist sa pagitan ng mga ito.

"Last night," tipid na sagot ni Zach at nilagpasan ang tatlo. Wala yata itong balak pansinin ang mga babaeng iyon.

Hindi sila bagay!

Flat chested!

Mas bagay kami ni Zachary!

Napasimangot si Tina sa narinig niya. Hindi na lang niya nilingon ang tatlong panget na palaka. Napatingin pa siya sa dibdib niya.

Flat chested? Hindi naman ah!

Narinig niya ang tawa ni Zach kaya nilingon niya ito at sinamaan ng tingin.

"Anong nakakatawa?" Naaasar niyang tanong sa binata. Huminto ito sa paglalakad at pati siya.

"Mukhang affected ka sa sinabi nila... Don't mind them, alam ko naman ang totoo," sinapak niya ito bigla sa tiyan. Napatawa pa ito ng malakas kaya maiiyak na siya. Naalala niya kasi na binihisan nga siya nito nang malasing siya at nakita na nga nito ang dibdib niya. Pulang-pula ang mukha niya.

"Letche! Bastos!" Iniwan niya ito bigla at naglakad pabalik. Agad naman siya nitong nahabol at inakbayan siya ulit.

"Sorry na," bulong nito sa kanya. Hindi siya nagsalita. Hanggang sa nakabalik na lang sila sa bahay nito ay hindi niya ito kinausap. Pero hindi naman siya galit. Naasar lang siya at nakaramdam ng hiya. Hindi na muna siya kinulit ni Zachary hanggang siya na ang nagkusa na kausapin na ito. Naging tahimik din kasi ito hanggang maghapunan.

To be continued...

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon