Chapter 10

235 50 21
                                        

"Zach, bangon na kasi," pilit ginigising ni Tin ang binata na mukhang gising na naman talaga at ayaw lang imulat ang mga mata at bumangon.

"Ngayon ang alis natin, 'diba? Tiyak naghihintay na ang mama at papa mo sa labas, pati mga kapatid mo." sabi niya ulit na niyuyugyug ang balikat ni Zachary.

"Hmm! Gusto ko pa matulog eh," bigla nitong sabi at pinulupot ang braso sa baywang niya. Agad siya nitong hinila at ngayon ay nasa ibabaw na siya ni Zachary. Minulat nito ang mga mata at sinalubong ang mga titig niya. Agad sumilay ang matamis na ngiti nito. Nagrigodon naman ang kanyang puso sa paraan ng titig nito.

"Morning, baby ko," nakangiti nitong saad at ngumuso. Yakap pa rin nito ang baywang niya. Ramdam na niya iyong kilig kapag tinatawag siya nitong baby. Pero wala pa siyang lakas ng loob na aminin dito ang tunay na nararamdaman din niya ngayon. May tamang oras para sa lahat.

"Bangon na tayo, Zachary," saad ni Tin. Pinakawalan siya ng binata at agad naman itong bumangon.

Pupunta kasi sila ngayon sa isang resort na hindi naman kalayuan sa lugar nila Zach. Inaya kasi si Tina ng mga kapatid ng binata na maligo at makipag bonding pa sa kanila. Ngayon na nga sana sila uuwi ng Maynila pero humingi ng favor ang mama ng binata na pwede bang mamayang gabi na lang o bukas sila umalis. Agad namang pinagbigyan ng binata ang hiling ng ina.

Matapos nilang dalawa na mag prepare ay lumabas na silang dalawa ng kuwarto. Nasa sala ang mga kapatid niya na naghihintay. Hindi rin maikakaila ang excitement sa mga mukha ng mga ito.

"Aalis na tayo, kuya?" tanong ni Amber.

"Oo. Doon na lang tayo mag breakfast. Atat kasi kayo masiyado," sabi ni Zach dito na nakangiti. Pumunta ito saglit sa kusina at tinulungan ang mama at papa nito na dalhin ang mga inihanda nitong mga pagkain. Sumunod din si Tina rito.

"Good morning po, Tita, Tito," bati niya sa magulang ni Zach.

"Good morning din, hija. Naku, huwag ka ng magabalang tumulong. Sina Amber at Junifa na diyan, anak," sabi ng mama ni Zach kay Tin.

"Okey lang po, Tita. Kaya ko naman eh," nakangiti niyang saad sa ina ng binata.

Sumakay na sila lahat sa sasakyan ni Zach. Mas pinili niyang magkatabi si Zach at ang ina nito. Siya naman ay katabi si Amber at Junifa at ang papa naman ni Zach ay nasa likuran.

"Kailan ka pala sasakay ulit ng barko, nak?" tanong ng mama nito sa binata. Lumingon saglit si Zach sa ina.

"Next month pa naman ma. Aayusin ko pa ilang mga papers para doon," sagot ng binata. Biglang nakaramdam ng lungkot si Tin nang marinig iyon. Akala niya kasi matagal pa bago ito sumakay ulit ng barko. Kung pwede nga lang na huwag na sana itong umalis.

Narinig niya ang pag-vibrate ng kanyang phone kaya agad niyang kinuha ito sa kanyang bulsa. Nakita niya sa screen na ang mommy niya ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Mommy?" saad niya sa ina. Miss na rin niya ang parents niya.

"Honey, kailan kayo babalik dito ni Zach? Miss na kita baby," sabi ng mommy niya. Napangiti siya sa turan ng ina.

"Tomorrow po, Mommy. Papunta pa po kami ngayon sa isang resort kasama ang family ni Zach," sabi niya na nakangiti. Tumingin ang mama ni Zach sa kanya na agad niyang binigyan ng matamis na ngiti.

"Okey, baby. Ingat kayo sa byahe. Hihintayin ka namin ng daddy mo rito," sabi ng Mommy niya.

"Okey po, Mommy. Ingat din po kayo ni dad. I love you. Bye, mom," usal niya at ibinaba na ang phone.

"Wala kang ibang kapatid, ate?" tanong ni Amber sa kanya.

"Wala eh. Kaya nga naiinggit ako sa inyo. Ang saya niyong tingnan na magkakapatid habang naglalambingan at nagkukulitan. How I wish na may kapatid ako." Sabi niya kay Amber na nakangiti. Hinawakan naman bigla ni Junifa ang braso niya at isinandal k'unti ang mukha dito.

Ako na lang sana COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon